Mike Tan, banong umarte?!


AYAW NA LANG
daw patulan ng leadingman nina Michelle Madrigal at Carla Abellana sa afternoon soap na Kung Aagawin Mo ang Langit na si Mike Tan ang mga patutsada sa kanya ng detractors na until now ay bano pa rin siyang umarte.

Tsika nga ni Mike, habang i-binababa siya ng iba ay mas lalo naman daw siyang nagpupursigeng paghusayan ang kanyang pag-arte. Alam daw nitong hindi niya mapi-please ang lahat na gustuhin ang klase ng kanyang trabaho, pero masaya na raw siya na may mga taong nagsasabing nag-improve na ang kanyang acting. Kaya naman daw mas lalo siyang naeeng-ganyong galingan pa para mabigyan siya ng mas marami pang trabaho ng GMA-7.

Dagdag pa nga ni Mike, handa niyang gawin kung ano man ang ipagawa sa kanya ng kanyang director para lang mas mapaganda ang kanilang soap. Kahit nga raw magpakita siya ng konting skin o mainit na lovescene ay aprubado kay Mike sa ikagaganda ng soap.

 

SI KUYA GERMS mismo sa kanyang radio show sa DZBB na Walang Siyesta ang nagpahayag na wala nang dapat ikalungkot ang Noranians dahil lumabas na ang nag-iisang Superstar sa pagkaratay nito sa ospital dahil sa Bronchitis na may kasamang hika, kamakailan.

Tsika pa ni Kuya Germs, natutuwa ito sa mga anak ni Guy dahil ang mga ito ang talaga namang nagbantay, lalung-lalo na si Matet na mas piniling mag-selebra ng kaarawan last Oct. 4 sa ospital sa piling ng kanyang pinakamamahal na ina.

Kaya naman daw tuluy- tuloy na ulit ang taping nito ng Sa Ngalan ng Ina at ready na rin ito para sa shooting ng kanyang MMFF entry na Hototay under Regal Films. Masyadong napagod sa dami ng trabaho nito, kaya naman daw sinabihan ito ng doctor na hinay-hinay lang sa pagtatrabaho para iwas sakit.

 

NASALUBONG NAMIN SA hallway ng GMA-7 ang Starstruck 5 Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati at tuwang-tuwa nitong binalita na may bago siyang proyekto na siya mismo ang bida.

Ito ay ang remake ng Kokak na pinagbidahan at naglunsad kay Rachel Lobangco bilang bida material under Seiko Films. Sa kanyang kauna-unahang pagbibida, mixed emotions daw ang nararamdaman ni Sarah, masaya dahil bida na siya at takot dahil hindi nito alam ang kalalabasan ng kanyang sariling show.

Pero handa raw siyang gawin ang lahat-lahat para maging maganda at kapana-panabik ang Kokak. Tsika nga nito na nagselebra ng kanyang 18th birthday last Oct. 9, napakagandang regalo raw ito ng GMA-7 sa kanyang kaarawan.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Mike Tan, banong umarte?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.