Mike Defensor, pinasok ang Payatas

Sa pagsisimula ng opisyal na araw ng pangangampanya ni Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor, pinasok nito ang Payatas noong Biyernes ng umaga kung saan sinaluhan siya ng mga residente at kinatawan mula sa iba’t ibang sektor sa lungsod na sumusuporta sa kanyang ipinaglalabang pagbabalik sa pondo ng taumbayan sa mamamayan sa pamamagitan ng mga reyalistikong proyekto at programa.

Humingi muna ng bendisyon si Defensor kasama ang kanyang pamilya sa Della Strada Parish bago sumabak sa motorcade patungong Phase 3, Lupang Pangako sa Payatas, kung saan inabangan siya ng mga residente.

Naging mainit ang pagtanggap ng mga mamamayan sa delegasyon ni Defensor sapagkat nauna na itong natulog sa loob ng tatlong araw sa naturang lugar kapiling ng mga residente upang higit niyang makita at maunawaan ang uri ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Sa panayam ng mga mamamahayag, ipinaliwanag ni Defensor na ang lugar ng Payatas ay simbolo ng kanyang ipinaglalaban na pagbabago para sa tunay na pag-unlad ng Quezon City.

“Ang lugar na ito ay simbolo ng matinding pagnanais ko na maisulong ang mga programa para sa ating mga kababayan tulad ng edukasyon, pabahay, kalusugan, trabaho, turismo at mga basic services, gayundin ang infrastructure. Maunlad na ang ating lungsod subalit panahon na upang maramdaman ng ating mga kababayan, mayaman o mahirap ang tunay na pag-unlad. Naniniwala ako na dapat makinabang sila at sumabay sa ating pag-unlad,” pahayag ni Defensor.

Sinaluhan ng mga residente ng Payatas ang grupo ni Defensor kasama si vice-mayoralty candidate Aiko Melendez at congressional candidate Allan Francisco at mga konsehal sa isang ‘boodle fight’, kung saan sabay-sabay na kumain ang mga ito nang naka-kamay.

Samantala, nagkaroon naman ng malawakang pagkilos ang mga kinatawan ng mga sektor mula sa apat na distrito ng lungsod bilang pagpapakita ng kanilang suporta at paniniwala sa programa ni Defensor para sa Quezon City. Nagkaroon din ng motorcade at pakikipag-ugnayan ang mga residente sa bawat kandidatong katiket ni Defensor.

Kabilang sa mga programang ipaglalaban ni Defensor para sa mamamayan ng lungsod ang pagtiyak na magkakaroon ng health card ang lahat para sa mura at de kalidad na serbisyong medikal, mga benepisyo tulad ng buwanang allowance para sa mga senior citizens, turismo, trabaho, pagbibigay ng pantay na karapatan at pagkakataon sa mga may kapansanan, discount sa may 60 unibersidad at kolehiyo sa lungsod upang magkaroon  ng mas maraming scholar bawat taon, pabahay para sa mga informal settlers sa pamamagitan ng Community Mortgage Program (CMP), pagpapalawak at pagpapatatag ng pagnenegosyo sa lungsod, pagtiyak na walang anumang pagtataas sa buwis at pagpapalago sa buhay ng mga maralitang taga-lungsod.

Parazzi Reportorial Team

Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Mike Defensor, pinasok ang Payatas

  1. ikaw kaya mag isip lane dahil kami matino ang pagiisip di tulad mo basura walang alam kungdi manira gum,awa ng pekeng issue hehehe, mahiya k sa sarili mo…… sana makarma pamilya mo

  2. Mag-isip tayong mabuti sa pagpili ng magiging presidente natin. Kung dahil lang sa nakipagbreak yong girlriend ni Noynoy eh, nadepress na s’ya, papaano na kung maging presidente na sya? Makakaya ba nyang harapin ang mabibigat na problema? Nagpatingin sya sa psychiatrist noong 1996, nakakasiguro ba tayo na magaling na sya ngayon? Alalahanin natin na isang dahilan ng depression ay genetic, yong sinasabing nasa dugo. Mahirap gamutin ito. Babalik at babalik ito anumang oras na magkaproblema ng mabigat ang pasyente.

    Huwag tayong magpadala sa pag idolo sa isang tao. Presidene o mamumuno ng ating bansa ang hinahanap natin. Nakasalalay sa mga kamay n’ya ang ikabubuti o ikasasama ng ating bansa. Lawakan natin ang ating pag-saliksik at pag-unawa sa katotohan.

    NOYNOY AQUINO IS MENTALLY INCAPABLE TO BECOME PRESIDENT OF OUR COUNTRY.

    IF HE IS MENTALLY INCAPABLE TO GOVERN, THEN WHO WILL DO IT ON HIS BEHALF? MAYBE KRIS AQUINO YAP, MAYBE THE COJUANGCO-AQUINO CLAN THAT ARE ALL CORRUPT, MAYBE THE MAKATI BUSINESS CLUB THAT ARE ALL CORRUPT, MAYBE THE BLACK AND WHITE MOVEMENT THAT ARE ALL TROUBLEMAKERS, MAYBE JOJO BINAY WHO IS ALSO CORRUPT.

    INVESTIGATE, INVESTIGATE, INVESTIGATE. THINK,THINK. THINK. DON’T LET YOUR VOTE GO DOWN THE DRAIN.

    I am not endorsing any presidential candidate. It’s your responsibility to do the right thing for our country.

  3. I did my research. It’s absolutely true. The truth will definitely surface, just wait and see. Of course ABS-CBN will deny it. Cory Aquino is the reason they still exist. They will defend Cory’s children at all cost. Did you watch carefully Noynoy’s face when asked about this psychiatric issue? He is almost losing it. His demeanor explains itself.

    How would you like to have a drooling (tumutulo and laway) president? DEFINITELY NO!!!

    I am not a Villar supporter. I am a Filipino who only wants what’s best for my country.

  4. Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may tupak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

Leave a Reply

Your email address will not be published.