Mike Arroyo, Pinayagang Makalabas ng Bansa

PINAYAGAN NG Sandiganbayan na makabiyahe sa ibang bansa si dating First Gentleman Mike Arroyo.

Ito’y matapos sumailalim sa conditional arraignment si Arroyo kung saan ito nagpasok ng not guilty plea sa kasong may kinalaman sa umano’y maanomalyang P104 bilyong PNP chopper deal.

Pinahintulutan ni 2nd Division Associate Justice teresita Diaz-Baldoz na makalabas ng bansa si Ginoong Arroyo mula Pebrero 3 hanggang 10 pero sa Hong Kong at Japan lamang para sa umano’y speaking engagement nito.

Pinagbayad din si Arroyo ng P90,000 travel bond at pinababalik sa korte sa sandaling makauwi na ng bansa.

Samantala, una nang pinahintulutan ng Sandiganbayan 4th division na makalabas ng bansa si Ginoong Arroyo kung saan naman nakabinbin ang kaso nitong may kinalaman sa NBN-ZTE deal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.