Mike Arroyo, Hiniling sa Korte na Makalabas ng Bansa

HINILING SA korte ni dating First Gentleman Atty. Mike Arroyo na makapagbakasyon sa ibang bansa kasama ang kanyang mga anak.

Base sa apat na pahinang mosyon na inihain sa 4th at 5th divisions ng Sandiganbayan, hiniling ni Atty. Arroyo na payagan siyang makapunta sa Tokyo, Japan mula Hunyo 1-5 at sa Hong Kong mula Hunyo 5-9.

Magbabakasyon ang dating unang ginoo kasama ang anak na si Mikey at pamilya nito at sina Datu at Luli at pamilya ng mga ito pagdating sa Hong Kong. Nakalagay sa mosyon ni Arroyo na sumusunod siya sa kondisyon ng korte kagaya na lamang ng nakaraang biyahe nito.

Samantala, nahaharap sa kasong katiwalian o graft si Atty. Arroyo kaugnay sa maanomalyang chopper deal.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.