Mike Arroyo, ‘di pa lusot sa Malampaya scam

HANGGA’T HINDI pa umano natatapos ang ginagawang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI), hindi pa rin isinasantabi ng Malacañang ang posibilidad ng pakikipagsabwatan ni dating First Gentleman Mike Arroyo sa P900 Malampaya fund scam.

Ito’y kasunod ng pagsasampa ng plunder case laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Executive Secretary Eduardo Ermita kamakailan sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na sinabi na ni Justice Secretary Leila de Lima na may ginagawa nang pagsisiyasat ang NBI lalo na ang posibleng anggulo ng pagkulimbat sa muliti-milyong pisong pondo.

Ayon pa kay Valte, naka-monitor naman aniya ang Malacañang sa ginagawang imbestigasyon ng ahensiya lalo na sa pork barrel fund at Malampaya scam.

Nanawagan rin ito na antayin na lamang muna ang NBI bago masabing lusot na sa Malampaya scam si Arroyo.

Una rito, tinawag ng dating Unang Ginoo na malisyoso ang media report na nag-uugnay sa kanya sa sinasabing maanomalyang paggamit ng Malampaya funds.

Bagama’t aminadong asawa ng kanyang pinsan na si former Philippine Sports Commissione chairman Carlos “Butch” Tuason si Ruby, pero mariing pinabulaanan ni Arroyo na may kaugnayan ito sa mga sinasabing transaksyon.

Inihayag ni Arroyo na huling nakita umano nito si Ruby noon pang 2008 sa burol ng kanyang mister.

Samantala, mariin ding pinabulaanan ni Ginoong Arroyo na kilala nito ang tinaguriang reyna ng PDAF scam na si Janet Lim-Napoles.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.