Mikael Daez, tahimik lang sa pag-deny sa kanya ni Megan Young

MARAMI ANG naghihintay ng magiging comment ni Mikael Daez sa naging pahayag ng tinanghal na Miss World 2013 na si Megan Young na walang pa siyang boyfriend.

Matatandaan nang ma-interview ang utol ni Megan na si Lauren Young bago ito magpunta ng Indonesia para suportahan at panoorin ang coronation night ng Miss World ay tinanong ito ng press kung pupunta rin ba si Mikael Daez sa Indonesia para suportahan ang rumored girlfriend nito na si Megan?

Naging sagot kasi ni Lauren, “Dapat lang magpunta siya (Mikael Daez).”

Kahit ‘di diretsong inamin ni Lauren na may namamagitan na sa kanyang ate at kay Mikael, parang sinabi na rin nito na may “relasyon” na nga ang dalawa.

Anyway, may tsismis naman na sinadya raw na itago ni Megan ang kanilang relasyon para ‘di makasira sa pagiging beauty queen nito.

 

ITINANGGI NI Jennylyn Mercado ang balitang hiwalay na sila ni Luis Manzano. Nagpapadyak pa ang actress habang mariing pinasinungalingan ang naturang tsismis.

Last Sunday lang ay nagkita raw sila ni Luis para pag-usapan ang schedule ng kanilang pagdi-date.

Sa ipinamalas na reaction ni Jennylyn sa kumalat na break-up, parang ‘di nito matatanggap kung magkakatotoo na hiwalay na sila ng actor.

Bilang patunay na walang katotohanan ang hiwalayan blues, nakatakda silang magkita ni Luis. Naging busy lang daw siya lately sa out-of-town shows at tapings ng programa sa GMA-7 kaya hindi na siya gaanong active sa social media na tulad ng Instagram, kung saan nga naging madalang ang paglalagay niya ng photos nila ni Luis.

Pero nababasa raw niya ang tags sa social media na laging sumusubaybay sa kanyang social networking na ikinaloka niya dahil walang katotohanan hiwalay na sila ni Luis.

HInayaan na lang daw niya ang mga comment ng mga sumusubaybay ng kanyang personal life para ‘di siya maapektuhan. Importante, sila pa rin daw ni Luis at masaya pa rin ang kanilang samahan.

Ever since, never daw naging isyu sa kanila ni Luis ang laging busy sa trabaho. Very supportive nga raw si Luis sa kanyang career at ganoon din siya sa actor na kaliwa’t kanan ang trabaho sa ABS-CBN, kaya naiintindihan kung naging madalang na silang magkita.

Kapag naging okey na raw ang schedule nila, babawi sila sa November para magbakasyon at bawiin ang lahat ng mga pinagdaanang hindi nagkikita dahil sa sobrang busy sa trabaho.

Ask kung sa abroad ba sila magbabakasyon, kaagad na sagot ni Jen, “Dito lang sa ‘Pinas para masulit ang isang linggong bakasyon.”
NAGTIPON-TIPON ANG lahat ng mga nagmamahal at sumusuporta kay Governor ER Ejercito sa cultural center ng Sta. Cruz Laguna bilang support sa governor ng Laguna na ipinadi-disqualify ng Comelec dahil daw diumano sa sobrang ginastos sa nakaraang halalan.

Nagkaroon ng misa at rally ang mga taga-Laguna at mga member ng entertainment press na dumayo pa sa Laguna para suportahan ang ipinasususpindeng gobernador.

Karamihan ng mga mamamayan ng Laguna, nagulat sa naging desisyon daw ng Comelec para mapawalang-bisa ang pagkakahalal kay Gov ER dahil sa sobrang paggastos daw sa nakaraang halalan.

Anyway, nagpasalamat naman si Gov ER at sa mga constituent at maging sa mga member ng press na hindi siya nakalimutang suportahan.

Nangako na hindi siya titigil sa pagtulong sa mga kababayan at maging sa movie industry sa pamamagitan ng pagpo-produce ng mga makabuluhang pelikula.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

4 thoughts on “Mikael Daez, tahimik lang sa pag-deny sa kanya ni Megan Young

  1. ANU BA TONG WALANG KWENTANG WRITER NA TO! ANG HEADLINE AAKALAIN MUNG SI MEGAN MISMO ANG NAG SABI PERO SA ARTICLE MISMO WALANG KA KWENTA KWENTA NI WALANG PAG AMIN AT ISANG SALITA LANG NI LAUREN PINAGBASEHAN ANG WRITE UP! IN OTHER WORDS PUBRICATED ANG ISYU AT KWENTONG BABRBERO LANG NG BAKALNG WRITER NA TO ANG SCOOP NYA! NAPAKA BOBO NG EDITOR NG TABLOID NA TO!!! PINAPAYAGAN ANG MGA GANYANG KLASENG WRITE UP NA WALANG BASEHAN AT PINAIKOT LANG PWE

Leave a Reply

Your email address will not be published.