Mikael Daez & Max Collins: Good Morning, Lovey!

MIKAEL DAEZ
Real Name: Mikael Daez
Birthdate: January 6, 1988
Zodiac Sign: Capricorn

MAX COLLINS
Real Name: Isabelle Abiera Collins
Birthdate: August 28, 1992
Zodiac Sign: Virgo

BAGONG SALTA sa morning kiligserye na With a Smile ng Siyete ang pretty lady na si Max Collins. Isa ang dalaga sa mga ginu-groom ng network bilang next important leading lady. Habang naghihintay ng tamang lead project, ipinasok muna siya sa programang kinabibilangan nina Christian Bautista, Andrea Torres at Mikael Daez.
Hindi namin ma-sey kung magtatagal ang karakter ni Max sa serye, pero marami ang nakapupuna na may chemistry sila ng all-around Kapuso hunk na si Mikael Daez. Wala kaming alam sa romantic status ng dalawa, pero kung sakali kaya’y mag-progress ang off-cam romance?
Level-headed at realistic sa buhay ang Capricorn at Virgo. Matured at maaasahan sila pagdating sa mga seryosong bagay. There are obvious differences, but still dependable. Metikuloso sa pagpa-plano ang Capricorn, dahan-dahan nitong pinaplano ang bawat galaw. Applicable sa kanya ang ‘slowly but surely’ approach. Ang Virgo naman ay mas dumi-depende sa skills at effort kaysa sa pagpa-plano.
By nature ay seryoso talaga ang Capricorn at Virgo. Dapat silang maging conscious na hindi kasalanan ang pagkakaroon ng konting ‘fun and spice’ sa buhay. ‘To be on top’ ang personal goal ng Capricorn sa lahat ng bagay. For some reason, makatutulong ang Virgo para maabot nito ang mga minimithing pangarap. Very minimal ang p’wede nilang pag-awayan. Overall, this love match is uber perfect!
Maganda ang rapport ng tambalang ito. Sa katunayan nga, no words are needed para ipaalam kung ano ang iniisip ng isa’t isa. Ibibigay ng lalaking Capricorn ang security na nais ng babaeng Virgo. On the other hand, tutulungan ni girl si boy sa pag-abot ng kanyang wildest dreams. Aalagaan nila ang isa’t isa at pagdating sa romansahang pisikal ay hindi rin boring ang kanilang performance, huh!
Well said! Mukhang hindi lang onscreen pairing ang nabuo ng Kapuso, huh! Mikael and Max have what it takes to have a relationship that will last forever!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.