Mikael Daez, ‘di mahilig makipag-date

Mikael-DaezLAST MONDAY, March 3, ang last taping day ni Mikael Daez para sa patapos nang fantasy series ng GMA 7 na Adarna. Isa siya sa leading men ng bida rito na si Kylie Padilla.

“All good things come to an end. Masaya naman ako sa nangyayari sa teleserye namin,” aniya. “Masaya ang nabuong friendships. I learned a lot bilang aktor. Sana sa susunod na project, may maidala pa akong bago sa mga natutunan ko dito sa Adarna.”

Sa Biyernes na, March 7, ang finale episode ng Adarna. Ano ang sunod niyang project?

“Wala pa akong naririnig. And hindi ko muna pinag-iisipan ang tungkol diyan. Babalik na rin ulit ako sa pagti-taping ng Bubble Gang. I had so much fun sa show. And na-miss ko lahat ng mainstays nito. And ‘yong Midninght Express na segment ko sa Saksi, tuloy-tuloy lang naman ‘yon. Hindi naman iyon tumitigil from Mondays to Thursdays.”

Panay ang kain niya ng mga food na ipini-feature sa nasabing segment. Buti hindi siya tumataba?

“Wala na. Hindi na mangyayari ‘yon!” natawang sabi ni Mikael.

Ano ba ang sikreto na napapanatili niyang maganda ang built ng kanyang katawan?

“Prayers at saka juice. Nagdyi-gym din naman ako, kahit papa’no.”

Kumusta naman sila ng rumored girlfriend niya at reigning Miss World na si Megan Young? Gaano kadalas silang mag-communicate?

“Every second of the day. Naks!” muling natawang sabi ng actor-TV host. “I see her a couple of times. I talk to her a couple of times in a week.”

Malaking sacrifice ba sa kanya ngayon na magkalayo sila ni Megan dahil busy ito sa mga activities around the world ng Miss World Organization?

“No!” napahalakhak na sagot ni Mikael. “No. No.I’m working. She’s working. Nothing much has changed. Right now, we’re okay. We keep in touch.”

Ano ba ang latest kay Megan base sa napagkukuwentuhan o pag-uusap nila?

“She just came back from Russia. ‘Yon lang ang nabanggit niya sa akin.”

Bibisita na ulit dito sa Pilipinas ang actress-beauty queen?

“I’m not sure. Hindi ko alam. I actually really don’t know!” natawa ulit na sabi ni Mikael.

Dahil malayo si Megan at ilang buwan pa ang itatagal ng reign nito bilang Miss World, hindi ba siya nai-engganyo na makipag-date sa ibang babae?

“Hindi talaga ako dating type, eh. Usually I go out with a group of friends. And ako kasi, kumbaga whatever is there, is there.”

Focused daw siya sa trabaho ngayon. And he’s looking forward to having more projects na pagkakaabalahan.

“We’ll see. I think there are a lot of auditions going on this summer. So, hopefully I get to bag a movie. Hopefully! ‘Di ba? Fingers crossed. Work hard. Do your best.”

Malapit na ang summer. Is he planning to have a break or go on a vacation?

“I’m travelling again to London this coming Thursday (March 6).”

Bibisitahin niya si Megan?

“No. She’s not gonna be there. And well, I don’t base my travel on hers. Kasi she’s working. I’m going to London for a courtesy call for Oxfam, a non-profit organization. It’s basically a foundation and I’m an ambassador of it here in the Philippines. So, may courtesy call ako, kasi nando’n ang head office nila. I’m trying to be more active para rito ngayong matatapos na ang Adarna,” sabi pa ni Mikael.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Mikael Daez, ‘di mahilig makipag-date

Leave a Reply

Your email address will not be published.