Mikael Daez denies nude photo scandal!

PINAGPI-PIYESTAHAN NGAYON ng mga bading ang hubad na larawan ng baguhang si Mikael Daez sa internet. Ang chika nga, video raw ‘yun na ang girlfriend pa mismo niya ang kumuha. Talaga namang naghuhumindig ang sandata nito at very proud sa kanyang pagkalalaki. Matagal na naming nakita ang nude photo ng binata sa cellphone ni Mo Twister more than a month ago nang mag-guest kami sa Paparazzi ng TV5. Ngayon nga lang pinag-usapan dahil may teleserye siya sa Siyete.

Siyempre, super-deny si Mikael pati na rin ang manager nitong si Jonas Gafud sa kontrobersiyal picture ng kanyang alaga. Unang nakilala ang binata sa isang fast food chain commercial. Palibhasa tipong artistahin ang dating kaya kinuha agad ito ng GMA-7 para maging leading man ni Marian Rivera sa isang horror series ng Kapuso Network. Nasa cast na siya ng epicseryeng Amaya at Temptation Island ng Regal Films.

Nang dahil sa nude photo ni Mikael, tumatak agad sa isipan ng publiko ang kanyang pangalan. Pinag-usapan, maging ang entertainment press ay naintriga tuloy sa kanya. Walang dapat ikahiya ang model/actor dahil lalaki naman siya at malaki ang kanyang hinaharap.

 

IKINATUWA NAMIN, FOR the 3RD time, cover boy ng Men’s Health Philippines si Dingdong Dantes. May balitang may nilulutong pelikula para sa kanila ni Bea Alonzo pero wala pa raw formal offer sa guwapong aktor. Willing naman daw siyang gumawa ng pelikula sa Kapamilya stars. Katunayan nga, may project sila together ni Kris Aquino.

Pero teka, may intrigang kaya raw hindi natuloy ang project nila ni Bea dahil tinutulan raw ito ni Marian Rivera. Nilinaw naman ni Dingdong na walang kinalaman ang dyowa niya tungkol sa bagay na ito. Huwag naman daw intrigahin si Marian sa mga bagay na hindi nito alam. Ang pagkakaalam nga ni Dingdong may possibility na gumawa ng pelikula sina Marian at Piolo Pascual.

Masaya si Dingdong kung sakaling matuloy nga ang tambalang Marian at Papa P. Malaki naman daw ang tiwala niya sa dalaga. Maging ang hunk actor pangarap din makatrabaho si Piolo sa isang action film na si Erik Matti ang director at sina Dingdong at PJ na rin ang producer.

 

NAKAKA-EXCITE ANG MGA activities na inihanda ng Nestle para sa kanilang 100 years sa Pilipinos. Ang centennial TV ad ay inspired by love for the family, a cultural trait which unites Filipino. Isa sa mga handog ng Nestle ay ang 100 minutes anthology ng 10 short, entertaining at creative films.

Nagbigay ng iba’t ibang kuwento ang mga director na nasa isip ang mga brands ng kumpanya. Sa sampung kuwento, may drama-romantic comedy, musical, fantasy, satire, family comedy, suspense, adventure, mockumentary at Shakespearean parody. Ang nasabing short films ay may premiere night on June 10 at SM Megamall, June 11 at 12, 11 am naman ang “Free Movie Weekend” at SM Megamall Cinema 3, Southmall Cinema 6, SM Rosales Cinema 1, SM Davao Cinema 1 at SM Cebu Cinema 7.

May 5 lucky viewers (I per cinema) na maaaring manalo ng P 10,000.00 pesos kapag bumoto  ng paboritong short film. See you there!

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

8 thoughts on “Mikael Daez denies nude photo scandal!

  1. ang picture niya ay all over the internet, at blurred ang private parts. buti na lang at mukhang juts siya! jutay gagah!

  2. DENIAL king… parang si mark herras. hindi raw siya yun e sa room mismo niya! talaga naman! siyang siya yun. deny pa. maliit kc nota. hahahaha

  3. that’ll be a great collaboration if matutuloy nga talaga… bea and dingdong; marian and piolo??? heavy drama man yan o rom-com for sure maraming manunuod considering na milyon’milyon ang fan based nila individually. . . sana nga matuloy. . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.