Mikael Daez and Solenn Heussaff: Can’t Resist The Temptation!

MIKAEL DAEZ

Real Name: Mikael Daez

Birthdate: March 7, 1988

Zodiac Sign: Pisces

Symbol: The Fish

Ruling Planet: Neptune

Quality: Mutable

Element: Water

Basic Trait: I Believe

Closest Metal: Germanium and Strontium

Lucky Day: Thursday

SOLENN HEUSSAFF

Real Name: Solenn Marie Heussaff

Birthdate: July 20, 1985

Zodiac Sign: Cancer

Symbol: The Crab

Ruling Planet: Moon

Quality: Cardinal

Element: Water

Basic Trait: I Feel

Closest Metal: Silver

Lucky Day: Monday

 

MAITUTURING NA SUWERTE ta-laga ang Kapuso hot properties na sina Mikael Daez at Solenn Heussaff. With less than a year active in the world of showbiz, maituturing natin na elevated na sila agad sa leading man and leading lady status. Alam naman natin lahat na hindi madali para sa mga showbiz wannabees ngayon na maabot ang tinatamasa nilang tagumpay ngayon. Siguro nga’y luck, good looks and perseve-rance ang panlaban ng dalawa sa mga kapwa nila taartits.

Isa ring hindi inaasahang pagbabago sa Temptation Island ang biglaang pagpasok ni Mikael Daez bilang Ricardo, syota ng bading na si Joshua (John Lapus), na kalauna’y maiinlab kay Pura K. (Solenn). Dapat ay si Paulo Avelino ang kapares ng dalaga, pero kinailangan nitong mag-back out dahil nagkasakit ito.

Marami ang nakapansin na tila comfortable raw sa isa’t isa itong Temptation Island stars natin. In real-life kaya’y kakayanin nilang i-resist ang temptation na mahulog sa isa’t isa?

Kapag nagsama ang Fish at Crab, isang pagsasamang punung-puno ng emosyon ang siguradong mabubuo. Pareho nilang pinahahalagahan ang mga taong malapit sa kanila at kaya nilang i-give up ang lahat para sa taong minamahal. Naiintindihan nila ang pinanggagalingan ng isa’t isa lalo na kung tungkol sa diskarte sa buhay ang paksa. Pareho si-lang sensitive at full support din sila sa gustong gawin ng ka-partner. Ang pagiging mahilig nila sa music at arts ang mas lalo pang magpapakulay sa kanilang relasyon.

Marami-rami rin namang pagkakasalungat ang Cancer at Pisces, pero hindi ito big deal sa kanila. Mas malawak ang tingin ng Piscean sa buhay kung iku-kumpara sa Cancerian, na mas iniintindi lang ang mga taong malapit sa kanya. Pareho nilang ginagamit ang puso sa pagde-desisyon, pero hindi ibig sabihin nito ay hindi nila ina-analyze ang mga problemang dumaraan. Pareho rin silang sobrang romantic at hindi nila ikinakahiyang ipakita sa madlang pipol kung gaano sila ka-passionate. Lalung-lalo na in their private steamy moments, huh!

Dahil pareho silang nabubuhay sa mundo na punung-puno ng emosyon, siguradong swak na swak ang pagsasama nina Mikael at Solenn kung sakali mang mapag-desisyunan nilang gawing totohanan ang kanilang loveteam. Si lalaki ang sagot sa kanyang dream ‘Prince Charming’, at sisiguraduhin naman ni babae na maaalagaan niya nang husto at bibigyan ng tender loving care ang dyowa.

There you have it, ladies and gentlemen! Just in case these two gorgeous people make it in the future, paniguradong isang sexy yet inspiring story ang ating matutunghayan. Huzzah!

By Madame Damin

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Mikael Daez and Solenn Heussaff: Can’t Resist The Temptation!

  1. Dalawa sila sa artistang inglisero’t inglisera, pero kitang-kita mo na willing matuto at may talent talaga. Wala pang kiyeme. More projects for Mikael and Solenn!

Leave a Reply

Your email address will not be published.