Mika dela Cruz, nag-aabang pa rin sa big role

Mika-dela-CruzNANG MAKITA namin  ang dating childstar na si Mika dela Cruz na nakababatang kapatid ni Angelika, nasabi namin, ang bilis ng panahon. Dalaga na ito at nagtaka lang kami, kung bakit hindi pa siya nabibigyan ng big role na siya ang bida. Home grown talent  pa naman siya.

Pero sabi naman niya ay may malapit na siyang serye na kasama ang original loveteam na sina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Kaya abangan natin si Mika.

Sabi nga, hindi pa naman huli at mahusay na actress ang young actress.

Katambal naman niya sa said serye si Paul Salas. Abangan nga natin.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Previous articleRocco Nacino, ganadong magtrabaho kasama si Lovi Poe
Next articleJohn Estrada, p’wede nang tumanggap ng project sa ibang network

No posts to display