Miho Nishida at Tommy Esguerra, isang taon na ang relasyon

Isang taon na rin pala ang itinakbo ng relasyon ng magkasintahang Tommy Esguerra at Miho Nishida. Noong December 2016, ipinagdiwang nila ang kanilang first year anniversary. 

Miho Nishida and Tommy Esguerra

Siyempre pa, maligayang-maligaya si Miho sa atensyon at pagmamahal na ibinibigay ni Tommy sa kanya. Aminado ang dalaga na hindi siya perpekto, pero buong ningning siyang tinanggap ng binata.

Ang dalawang magkapareha sa totoong buhay ay tampok sa pelikulang “Foolish Love” na kasama rin sina Angeline Quinto at Jake Cuenca. Tungkol sa mga baliw sa pag-ibig ang itinatakbo ng pinakabagong pelikulang ito ng Regal Films.

Aminado ang couple na kinabahan sila sa kanilang unang sabak sa pelikula, pero naging maganda naman ang pag-alalay at support ng kanilang mga co-star at ng direktor na si Joel Lamangan. 

Sa katunayan, hangang-hanga si Direk Joel sa kanilang dalawa. Na kahit mga baguhan daw sila, hindi siya nahirapan na mapaarte ang mga ito. Natutuwa pa nga ang butihing direktor at sinabing gusto pa niyang makatrabaho muli ang magkasintahan. 

Hindi raw kasi sila maarte at kapag may pinapagawang medyo maselang eksena, hindi sila tumututol. Bigay na bigay raw sila sa kanilang kissing scene na daig pa raw ang eksena sa totoong buhay. 

Sa itinatakbo ngayon ng career nina Miho at Tommy, masasabing nasa stage pa sila ng dapat kilalanin at suportahan ng fans. Malakas na ring maituturing ang kanilang tambalan, pero humihingi sila ng lalo pang suporta para panoorin ang kanilang pelikula. 

Kung kilig, katatawanan, at happiness ang hahanapin, ibibigay nila ito sa pamamagitan ng kanilang “Foolish Love” movie na ipalalabas na sa January 25 sa mga sinehan sa buong Pilipinas. 

Sabi pa nila, sobrang mag-e-enjoy raw ang makapanonood  ng pelikula at marami ang makare-relate, lalo na ang mga baliw sa pag-ibig.

Rodel Fernando
by Rod’s Nest

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.