Miguel Mendoza, sasabak sa teatro – Boy Abunda

MALAPIT NANG ITANGHAL ang musical stage play na Spring Awakening which is produced by Atlantis Productions. One of the cast members is Miguel Mendoza of Pinoy Dream Academy Season 2 fame. Unang nakilala si Miguel bilang contestant ng Philippine Idol until he won as PDA Season 2’s 3rd Star Dreamer. He will take his singing career a notch higher this time as a theater actor.

In Spring Awakening, gaganap si Miguel bilang Georg, isang piano student na nahihirapang mag-concentrate sa kanyang musika dahil sa nararamdamang paghanga sa kanyang teacher. He will soon discover the nuances of adulthood and the pains of growing up. Ano ang masasabi ni Miguel tungkol sa kanyang karakter? “Though I’m not a nerd, people think I am so I guess somehow it is me. I also like Georg’s scenes with his teacher because I can actually relate to it.”

Na-impress daw si Miguel sa Spring Awakening dahil kakaiba ito sa mga kilala niyang musicals. At bakit nga ba hindi? Hindi matatawaran ang ganda ng musical dahil daring ang pagkakagawa nito. Spring Awakening talks about several issues that confront the youth like sexuality. The stage play garnered eight Tony Awards including Best Musical when it was shown in the US. Ang Tony Awards ang sinasabing pinakamataas na U.S. theater honor at katumbas ito ng isang Laurence Olivier Award sa British theater. Remember that our very own Lea Salonga also won a Tony Award for her role as Kim in Miss Saigon. Spring Awakening also features music by the famous singer Duncan Sheik.

Pero lingid sa kaalaman ng marami ay hindi na bago kay Miguel ang pag-arte sa entablado. He has several experiences in school productions like Godspell and You’re a Good Man Charlie Brown.

Abangan natin kung paano tayo gigisingin ni Miguel once he sets foot on-stage as Georg in Spring Awakening.

Ang Spring Awakening ay ipapalabas sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City magmula September 25 hanggang October 17. Maaaring tumawag sa Atlantis Productions 892-7078 at 840-1187 para sa mga katanungan.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Miguel Mendoza, sasabak sa teatro – Boy Abunda

Leave a Reply

Your email address will not be published.