Midwife, dinukot sa Sulu

ISANG MIDWIFE ANG dinukot ng apat na armadong kalalakihan sa bayan ng Indanan sa Sulu kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Evangeline Taverisma, 57 anyos, asawa ng dating retiradong militar at residente ng Brgy. Asturias, Jolo.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz ,Jr., alas-3 ng hapon noong Miyerkules nang dukutin ng mga hindi nakikilalang suspek ang biktima sa Barangay Takbak, Indanan habang naglalakad papauwi galing sa trabaho sa Rural Health Unit sa nasabing barangay.

Sinabi ng mga nakasaksi na kinaladkad ng mga lalaki ang biktima hanggang sa maisakay sa 6-seater na Toyota Tamaraw jitney na kulay pula.

Ganap na alas-5 ng umaga kahapon, wala pang negosasyon o impormasyon sa mga dumukot kung hi-

hingi ng ransom money.

Samantala, nagsanib na ang pwersa ng pulisya at militar para masagip si Taverisma.      (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.