Middle East Corona Virus, ‘Di Dapat Ikabahala

PINAWI NG Palasyo ang pangamba ng publiko hinggil sa Middle East respiratory syndrome corona virus (MERS-CoV) na kumakalat sa Saudi Arabia kung saan maraming OFWs.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi naman naninibago o nangangapa rito ang Department of Health (DoH) kaya hindi dapat mabahala ang publiko.

Sinabi ni Valte na nakalatag naman ang mga screening process para masuri ang mga pumapasok sa ating bansa at maiwasan ang pagkalat ng nabanggit na sakit.

Hindi rin daw kailangang magtaas ng alerto hinggil sa coronavirus at normal procedures lamang ang ipatutupad ng DoH sa mga paliparan.

“Oo. Nakausap natin ang Secretary of Health kahapon, si Secretary Ike Ona and the Secretary did say that one, we are aware of this—it’s not a new virus, it’s… How the Secretary of Health explained it is that it’s parang a new strain of sort. I’m not an expert. I will defer to the Secretary of Health on the explanation on what it is. But essentially, we want to assure the public that the DOH is already aware of this situation, and that it is closely working with the WHO on any updates or any progress in the situation, and that our scanners… ‘Yon nga po ‘yung maraming nagtatanong, ‘yung mga umuuwi po nating kababayan galing sa Middle East. The scanning process is still there. Normally, ‘yon nga po ‘yung hinahanap natin, at, at this point wala pa naman pong need para mag-heigthened alert po tayo, other than the normal procedures that we do conduct kapag—sa lahat po ‘yan, hindi lang po galing doon sa Middle East, ngunit sa lahat naman po nang dumadaan sa ating mga paliparan,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.