Mid-year bonus ng Rizal provincial employees, ibinigay na

RIZAL – WALANG PAGSIDLAN ng kasiyahan ang mga kawani ng Rizal Provincial Government matapos na ihayag ni Governor Jun Ynares na puwede na nilang makuha ang kanilang “mid year bonuses”.

Sinabi ni Gob. Ynares na ang maagang pagbibigay ng mid-year bonus ay bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at kontribusyon sa trabaho para makapagbigay ng mataas na uri ng serbisyo publiko.

Ayon sa gobernador, ang natanggap na mid-year bonus na may kabuuang halagang P15.57 milyon, ay malaking tulong upang magamit sa matrikula at makabili ng gamit sa eskuwelahan ng kanilang mga anak sa pagbubukas ng klase sa unang linggo ng Hunyo.

Nabatid pa na ang  kalahati ng kanilang 13th month pay ay matatanggap naman sa buwan ng Disyembre para naman sa Holiday Season.

Ayon pa kay Ynares, Kabilang sa tatanggap ay ang mga regular at casual employees ng lalawigan.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mid-year bonus ng Rizal provincial employees, ibinigay na

Leave a Reply

Your email address will not be published.