Mickey Ferriols and Archie Alemania split up after 5 years

KUNG PUWEDE NGA raw, ang gusto ng aktres na si Judy Ann Santos eh, kambal na agad ang maging biyayang anak sa kanila ni Ryan Agoncillo ng Panginoon. At kahit na sinasabi nilang pinaghahandaan na nila ang bagay na ito, kuwento naman si Ryan sa press conference ng bago nilang rom-com (romance-comedy) sa ABS-CBN, ang George and Cecil, eh, isang fifty pounds condom daw ang nakapagitan sa kanila gabi-gabi.

Kasi nga, ngayong magkasama na sila sa isang bahay ni Juday, naging lalo naman daw malambing ang anak nilang si Yohan, kaya sa hapon at sa gabi eh, sa kuwarto nila ito natutulog.

Jokingly, sinabi na lang ni Ryan na may mga paraan naman silang ginagawa ni Judai para mas ma-enjoy nila ang kanilang intimate moments bilang bagong mag-asawang nasa honeymoon stage pa rin.

Mukhang magiging bagong kagigiliwan ng mga manonood ang George and Cecil gaya ng ibinahagi noon ng John & Marsha nina Dolphy at Nida Blanca at Kaya ni Mister, Kaya ni Misis nina Maricel Soriano at Cesar Montano, dahil ilalarawan ng nasabing rom-com ang katotohanan sa buhay may-asawa at sa mga istoryang nakapalibot sa kanila.

INAMIN NI ARCHIE Alemania na totoo ngang nagwakas na ang magli-limang taong relasyon nila at pagsasama nila Mickey Ferriols, ina ng anak na si Brent.

Wala naman daw silang grabeng pinag-awayan. Pero napagkasunduan na lang munang maghiwalay na muna. Siya raw ang umalis sa kanilang tahanan at bumalik sa kanyang mga magulang. Pero hindi naman daw naputol ang communications nila ni Mickey, lalo na’t hindi naman siya nawalan ng karapatan sa kanilang anak.

Wala raw third party. At wala rin daw problema sa in-laws ng isa’t isa. Basta na lang daw na-realize nila na marami pa rin silang differences na kailangang i-solve.

Ang tanong nga kay Archie, na kasama rin sa Geroge and Cecil eh, kung ang kasal na inaasam ni Mickey ang naging isang factor para sa hiwalayan na lang umabot ang pagsasama nila.

Sabi naman ni Archie, there was a time na talagang pinag-uusapan na nila ito ni Mickey. Pero ayaw rin naman daw niya na sa huwes niya lang pakasalan ang ina ng kanyang anak.

“Ang gusto ko kasi, ‘pag ikinasal ako, ‘yung for keeps na at hindi na ‘yon papalitan. Itataga ko sa bato talaga. Siyempre, gusto ko ring maging very special ang moment na ‘yon, dahil one time lang itong mangyayari sa buhay namin.”

Maybe Archie will realize a lot more things sa pagsalang niya sa proyektong ito ni Direk Jose Javier Reyes, pagdating sa relasyon ng mag-asawa.

PEOPLE ARE STILL talking tungkol sa mga video na patuloy pa diumanong naikakalat, na nakunan daw sa isang beauty clinic ng doktor na siya ngayong iginigisa sa Senado.

Ang masama nito, sa mga usap-usapan, ang daming pangalan ng mga batang artistang babae ang nasasangkot. At nasa prime ng kanilang kasikatan ang mga ito.

Kung ang mga video na ito, na lalabas na kinunan ng isang nanilip sa kanilang mga treatment sa nasabing clinic, ang kakalat, alam na natin kung saan ang paglalagyan talaga ng gumawa ng paglapastangan sa karapatan ng isang tao nito. Hindi lang lisensya sa pagiging isang doktor ang mawawala. I’m sure, alam n’yo na kung ano pa ‘yun!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

4 thoughts on “Mickey Ferriols and Archie Alemania split up after 5 years

  1. Masyado kasing maliit yung etits ni archie. parang nunal pag tumigas parang rash lang yung laki ha aha ha ha

    So Mickey Ferriols kung gusto mong makatikim ng tunay na super size na burat at super tigas CALL ME!!!

  2. Kapanget ni archie. Mananatiling extra s sh0wbiz dahl walang magic s knya. Ganda ni mickey at galing umarte.

  3. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #73

Leave a Reply

Your email address will not be published.