Michelle Madrigal, todo-iwas sa status ng lovelife!

MULA NANG mag-break sila ni John Hall, wala pang bagong guy na nali-link kay Michelle Madrigal. At todo iwas ang aktres nang matanong namin tungkol sa status ng kanyang lovelife sa ngayon.

“Next question, please!” natatawang sabi ni Michelle.

Wala kahit suitors man lang?

“I mean… I don’t wanna talk about it. This year, I promised myself na if I’m going to date someone or kung wala akong idi-date, I’d rather talk abou my career. I’d rather focus on my… you know, I want people to know more about me. Not my relationship status.You know, parang… kung nakikipag-date man ako, e ano naman ngayon? Hahaha! Parang mas gusto kong isipin… mas gusto kong ipakita sa tao, like kung ano ang kaya kong gawin as an actress. Gusto kong do’n sila mag-focus kesa sa medyo non-sense na bagay. Because I really don’t get the point of talking about my relationship in public. I mean… ‘yon na lang siguro ang natitirang private sa aming mga artista, so sa amin na lang po ‘yon.”

Does it mean mas gusto niyang hindi artista ang karelasyon niya para mas pribado?

“Uhm… as of the moment, I’d rather not. You know, parang… opinyon ko ‘yon. Maybe after ten years, kainin ko ‘yong ganitong sinabi ko. We’ll never know. But right now, I’m happy kung anong meron ako.”

Ang manager niyang si Annabelle Rama, may mga bagong projects daw na winu-work out for her sa ngayon. Pero ayaw muna raw niyang magsalita hanggang wala pang final na resulta ang negosasyon.

“Right now, I’m happy doing Party Pilipinas every Sunday. And I do regional shows for GMA. Tapos, my FHM cover, sana bumili kayo this April.”

Pinag-uusapan nga sa ngayon ang sobrang sexy na pictorial niya for FHM. Ang concept, feel the  heat this summer. Kaya talaga namang mag-iinit ang pa-kiramdam ng mga kalalakihan sa mapangahas na mga pose niya para sa nasabing men’s magazine.

“Of course! Daring nga, e,” natawang reaksiyon ni Michelle. “At iyon nga ang pinaka-daring na pictorial na nagawa ko. I mean… I did one topless pictorial or photo shoot with Xander Angeles before for his exhibit. Pero for a cover (sa isang men’s magazine), ito na ‘yon.”

Kaagad-agad ba siyang napa-oo when she was offered to do that daring pictorial?

“Actually when Mon (famous photographer Raymond Isaac) texted me, sabi ko, alright! Kasi I really trusted naman Raymond. As a creative director, sobrang magaling si Raymond diyan. Forte niya talaga ‘yan. And hindi ko naman gagawin ‘yon kung magiging malaswa ‘yong kalalabasan. Alam mo ‘yon? So, with me, I’m like, sige! Akala ko, for May pa siya. Kasi it happened March. Kasi normally for a magazine, ‘di ba, like a month ahead or a month before nila gagawin iyon? Then after a week, I got a message na for April issue raw!

“Sabi ko, huh?! Agad-agad?” sabay tawa ulit ni Michelle. “Medyo biglaan siya. But, I’m happy. Kasi nakita ko na maganda ‘yong mga photos. Pati sa loob. ‘Yong cover. And ako talaga ang namili rin ng mga pictures na ilalabas. Na ipa-publish nila. Kasi gusto ko naman like, may approval naman ako sa lahat ng lumabas na photos.”

Sa Subic, Zambales kinunan ang nasabing pictorial. Bilang pagha-handa para rito, nag-crash diet daw siya.

“Yeah! I just didn’t eat carbs (food with carbohydrates). As in, no bread, no pasta. Just protein. Pero regular naman akong nagwu-work out so, it wasn’t really a problem.”

Will she go for daring and sexy roles na rin after ng mapangahas na pictorial niyang ‘yon for a magazine?

“Ah, it depends. I mean, depende sa story. Kasi hindi naman lahat ng story, kailangang magpa-sexy ka. But, you know, siguro sa pananamit ko. But it doesn’t mean na lahat ng projects o movies na gagawin ko, kailangang may lovescene o sexy scene. You know, it really depends sa concept and sa story na gagawin. But, I’m okay with it. As long as it’s needed.”

Hindi ba tututol ang parents niya kung halimbawa ay maging game siya for sexy roles?

“I’ve been living alone. I’ve been independent since I was 15. So, I always do whatever I wanna do. But I’m not gonna… hindi naman ‘yong nakakahiya na. ‘Di ba? Like ‘yong pictorial ko, kahit sobrang daring, maganda naman ‘yong kinalabasan niya. So, I’m proud sa ginawa ko.”

Kung sabagay, ikaw na ang may katawang kasing-sexy ng kay Michelle, hindi ka rin ba magiging proud na ipakita ito?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Michelle Madrigal, todo-iwas sa status ng lovelife!

  1. kailangan talagang magsulat ng buong artikulo sa isang 100% starlet? mas mabuti sana sa mas deserving non starlet artist noh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.