Michelle Madrigal: The Morena Temptress!

HABANG TUMATAGAL ay lalong umiinit ang mga tagpo sa Temptation of Wife ng GMA-7. Torn between two hot men ngayon ang drama ni Angeline (Marian Rivera). Naku, kung ikaw ba naman ang pag-agawan nina Marcel (Dennis Trillo) at Nigel (Rafael Rosell), ‘noh!
Kung noon ay ang babaeng masakit sa bangs na si Heidi (Glaiza de Castro) ang palaging nang-iinis kay Angeline, ngayon ay nasa sexy but obsessed lady na si Chantal naka-sentro ang kuwento. The character is played by no other than the sexy morena girl na si Michelle Madrigal.
Hindi na bago sa showbiz si Michelle Madrigal. Nag-umpisa ito bilang isa sa mga finalists ng pinakaunang Star Circle Quest. Kilala nga ito sa boyish roles bago napasabak sa pagko-kontrabida sa iba’t ibang teleserye ng Dos. Dahil sa lakas ng kanyang sex appeal, isa siya sa piniling cover girl ng short-lived men’s magazine na Maxim Philippines. Bukod dito, naka-tatlong beses na rin siyang naging cover girl ng FHM Philippines. ‘Teh, ikaw na talaga ang isa sa in-demand sa toplist ng mga barako!
A few years ago ay lumipat ito sa GMA-7. In fairness, never itong nabakante sa TV projects, ha? Ilan sa mga tumatak na TV projects niya ay ang Dyesebel, Kung Aagawin Mo ang Langit, Faithfully at ang ongoing na Temptation of Wife bilang tunay na Chantal Gonzales.
Sa aking sariling opinyon, si Michelle Madrigal ang isa sa mga talented female stars ng Kapuso Network. Kaya nitong magbait-baitan, pero epektibo rin itong kontrabida. She can dance at pagdating sa hosting ay puwede rin naman itong sumabak. In the past ay na-link ito sa iba’t ibang boylet kaya medyo misunderstood din ang image niya. Professionally, wala naman siyang inaagrabyado.
Last year, lumabas ang balitang may gagawin diumano itong movie. Si Zoren Legaspi pa nga raw ang director nito at si JC de Vera naman ang kanyang makakapares. What happened to the project?
Sa tingin ko ay deserving naman si Michelle Madrigal na mabigyan ng lead role kahit sa isang indie film man lang. With the right project, p’wede na rin siyang maihanay sa current leading indie movie queens ngayon tulad nina Lovi Poe at Mercedes Cabral. What do you guys and gals think?

 

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

2 thoughts on “Michelle Madrigal: The Morena Temptress!

Leave a Reply

Your email address will not be published.