Michelle Madrigal, masayang-masaya sa pagiging kontra-bida!

NATUTUWA SI MICHELLE Madrigal na kahit maituturing na kontrabida siya bilang si Bridget sa panghapong serye ng GMA-7 na Kung Aagawin Mo Ang Langit, hindi naman lahat ng viewers eh, nagagalit sa kanya. May mga nagtu-tweet daw sa kanya na nasa side daw niya. Nakakatuwa raw na hindi ito ‘yung typical na istorya na sa bida kumakampi. Ganu’n? Hindi siya worried na may nagagalit sa kanyang karakter na si Bridget imbes ay masayang-masaya siya dahil effective ang ginagampanan niyang role. Kung wala raw reaksyon ang mga utaw sa kanya, ibig sabihin hindi masyadong maganda ‘yung performance niya. Ngayon, ine-enjoy ng lokah ang pagiging masaya at palagi itong nakangiti, huh! Naku, iba na ‘yan at baka hindi na d’yan involved ang pagiging Bridget mo, girl? Hehe! Kalokah! Halina’t tingnan natin kung paano maging masayahin ang ating bida-kontrabida. Pak!

Photos by Ricky Agapito, Luz Candaba & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.