Michelle Madrigal, excited about kissing Richard Gutierrez

ISANG OLD PHOTO ni Eddie Gutierrez ang pinagkaguluhan sa presscon ng Zorro noong Lunes ng gabi, kung saan natuklasang endorser pala siya noon ng Coke.

“Nauna ako kay Willie Revillame,” dagdag-impormasyon niya. Actually, nakalimutan na niya ang katotohanang iyon. Pati nga ibang endorsements niya, kaya nag-request siya kay Lynda Rapadas na magdala pa ng iba.

Noon at maging ngayon, kapag naging endorser ka ng nabanggit na soft drinks, astig ka. Either top star ka o on your way to the top ka. Hindi tayo magtataka kapag-isang araw, kunin siya at anak na si Richard (Gutierrez) kapag naalala ito ng mga nasa likod ng pangunahing soft drinks na pati ang inyong lingkod ay pina-patronize din.

Hindi inilihim ni Eddie, lalo na ni Annabelle, ang labis nilang katuwaan sa mala-Hollywood na presentation ng teleserye ni Richard na mapapanood na sa March 23 ng gabi. Posibleng mabura na ang sama ng loob niya kay Madam Wilma Galvante na siya namang dasal ng maraming movie press, na sa totoo lang ay nagmamahal sa kanya.

Mala-Hollywood nga ang dating. Bagay na bagay sina Richard at Rhian Ramos. Punong-puno ang buong stage sa naggagandahang chikas at macho men na susuporta sa pangunahing bida ng GMA. Hanep ang entrance ni Richard na humantong sa matinding eskrimahan right before our eyes.

Bukod kay Eddie, napansin din among the cast sina Gloria Sevilla, TJ Trinidad, Mark Gil, Bobby Andrews, Joel Torre, Leo Martinez, Jacklyn Jose, Pinky Marquez, Bianca King, Ricky Davao, lalong-lalo na sina Lani Mercado at Sandy Andolong, among others.

MOST REQUESTED INTERVIEWEE naman si Jomari Yllana among the cast. Dahil nga po sa controversy tungkol sa paghihiwalay nila ni Pops Fernandez na pinakialaman ni Martin Nievera.

Natitiyak kong nadama ni Jom ang simpatiya sa kanya ng movie press. Binigyan nila ng katwiran ang galit na nadama nito. Hindi kasi palasalita si Jom. Kabaliktaran ni Martin na basta dakdak na lang ng dakdak, pero bahag naman ang buntot.

Kapag totoong labanan na ang nasasangkot, hindi natin nakikita si Martin na lumalaban ng parehas.

Niloloko rin si Lani Mercado tungkol sa role niya dito sa Zorro. It looks like siya ang ina ni Richard Gutierrez. Magkaroon daw kaya ng surprise appearance si Sen. Bong Revilla bilang ama naman ni Richard?

Pinakamasaya yata sa mga alaga ngayon ni Annabelle si Michelle Madrigal. Leading lady rin siya rito at naipagtapat niyang ‘natikman’ na niya si Richard.

“Nakasama ko na kasi siya sa Mano Po 5 at iyon, natikman ko siya. Sarap po ng soft lips niya. At palagay ko, mauulit ito sa Zorro, abangan n’yo,” aniya.

by Chit Ramos

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.