Michael V., preparado sa 18th anniversary ng Bubble Gang

BILANG PINAKA-SENIOR cast ng long-running comedy show ng GMA- na Bubble Gang, si Michael V. (del Valle) a.k.a. Bitoy ang punong-abala sa preparasyon sa gagawin nilang show celebration sa ikalabing-18 anibersaryo ng programa sa darating na Oktubre.

Bagama’t hindi na nila kasama ang kanyang ka-buddy na si Ogie Alcasid, nanatili pa rin sa mataas na rating ang show. “Siyempre mami-miss namin siya rito sa anibersaryo. Balak naman naming gumawa ng kakaiba para sa mga tumatangkilik ng aming programa,” ani Bitoy.

“Pangkaraniwan na ginagawa namin ito abroad, so nakakasawa na rin. Naisip namin rito na lang sa ‘Pinas at baka sa Cebu na lang. Sana ay makasama namin si Ogie bilang guest, kahit isang kanta lang, okey na,” dagdag pa niya.

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Bitoy hindi lamang para sa anibersaryo ng Bubble Gang, kundi pati na rin sa kanyang nalalapit na bagong programa sa Kapuso, ang King of Karaoke, na umano’y franchise lang nila ito sa isang progama sa U.S. Target niya ang launching nito ay sa October na rin.

Abala rin siya sa paggawa ng script nila sa show at higit sa lahat ay para sa kanyang Pepito Manaloto na kung saan ay siya ang head-writer dito. May isang buwan din kasing nagpahinga sa trabaho dahil sa pagkakasakit niya ng Dengue. Nang makarekober at nakabalik sa trabaho ay agad nagbawi sa mga hindi niya nagawa.

Nakabibilib ang bilis niya sa kanyang ginagawa pagdating sa pagsusulat ng mga idea para show. Twenty-two years na siya sa showbiz. Kung hindi raw niya pinasok ang showbiz ay baka isa siyang advertiser ngayon. Nakapagtapos si Bitoy ng Mass Communication sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, ngunit hindi na niya naituloy ang pagma-Master sana sa Advertising.

By Marialuz Candaba

3 thoughts on “Michael V., preparado sa 18th anniversary ng Bubble Gang

    • Oo, sikat pa ang Bubble Gang dahil hanggang ngayon, lahat ng pakulo nila nagki-click at parte na ng Pinoy Pop Culture. Kahit lumayas na si Ogie hindi pa rin nabawasan ang impact ng Bubble Gang sa masa. Unlike the COPYCAT Banana Split na NEVER SUMIKAT dahil puro mga WALEY ang jokes! Hakhakhak!