Michael V., nagsuplado sa mga kababayan sa Amerika!

“SANA ‘DI na lang siya pumunta , kung sisimangutan lang niya kami at hindi rin naman siya kakain!”

Ito ang naging pahayag ng mga kababayan nating Pinoy na nagtatrabaho at naninirahan sa California, USA sa naging attitude ni Michael V. na naimbitahan ng mga ito para mag-dinner sa isang sikat na restaurant roon kasama ang iba pang casts ng Pepito Manaloto na nag-taping doon.

Pagdating na pagdating pa lang daw sa restaurant ni Michael V ay nakasimangot na ito na mukhang wala sa mood, at hindi nagsasalita at hindi man lamang bumati sa mga Pinoy na nag-imbitang mag-dinner sa kanila.

As in deadma lang daw ito at may sariling mundo habang nag-uusap ang iba at kumakain, at hindi man lamang tumikim ng pagkaing nakahain sa kanilang mesa at mas pinili na lang na sumimangot at tumahimik hanggang matapos kumain ang lahat.

After nga raw ng kanilang dinner, umalis na lang ito na nakasimangot pa rin at walang kaimik-imik na nilisan ang nasabing restaurant. Ni ha, ni ho nga raw ay walang narinig ang ating mga kababayan doon mula kay Michael V.

Kaya naman daw disappointed ang mga kababayan natin na nag-organized at gumastos ng nasabing dinner, dahil sainasal ni Bitoy. Kaya naman daw ang dating paghanga nila sa mahusay na komedyante ay nawala.

Dagdag pa ng mga ito, na sana raw ay hindi na nga lang daw sana ito pumunta at nag-alibi na lang na hindi makakarating sa dinner, kaysa naman pumunta ito pero nakasimangot namang humarap sa kanila  at hindi rin naman kumain.

 

BONGGANG-BONGGA TALAGA ang maituturing na pinakasikat na child star at pinakabatang host sa bansa na si Ryzza Mae Dizon, dahil mukhang buong mundo ay napapabilib sa kahusayan nito.

Mula nga Canada at Amerika ay nakatutok sa The Ryzza Mae Show ang ating mga kababayang Pinoy. At kahit saan man ako pumunta ay pinag-uusapan ang bagong Child Wonder.

Tsika nga ng mga ito na sana raw ay hindi na lumaki si Ryzza Mae para marami pa siyang mapasayang Pilipino, ‘di lang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa na may pilipino na nagtatrabaho at naninirahan.

Gusto nga raw makita at mapanood ng personal si Ryzza Mae sa Canada at sa Amerika para na rin daw magkaroon sila ng litrato kasama ang mahusay na child star. Sana nga raw ay mapanood nila muli sa pelikula si Ryzza Mae na siya naman daw ang bida.

 

NEGATIBO ANG dating ng modelong si Georgina Wilson dahil na rin sa kontrobersiyang kinakaharap nito ngayon nang mag-tweet ito at sabihang tanga ang mga bumoto sa newly-elected mayor ng Manila at former President na si Joseph Ejercito Estrada, kaya naman inuulan ito ngayon ng batikos mula sa mga loyalist at supporters ni Mayor Erap.

Hindi nga naibigan ng mga supporters ni Mayor Estrada  at ng anak nito na si Jake Ejercito ang Tweet ni Georgina ng “ugh i hate politics – but I only have one thing to say: Anyone that votes for Erap is a f***ing idiot.” Na mabilis din nitong tinanggal pero huli na ang lahat dahil marami na ang nakabasa nito including Mayor Estrada’s son Jake.

Na sinagot naman ni Jake ng “Ms. Wilson, social media might be a free world but I think it’s quite irresponsible to express such an opinion unless you are well-versed with the current situation of the city of Manila and how the present local administration has failed to handle it.

Mas maganda raw sanang tumahimik na lang si Georgina at hindi na nakisawsaw sa gulo ng pulitika lalo na’t mula sa angkan ng mga pulitiko ang kanyang boyfriend na si Borgy Marcos Manotoc.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Michael V., nagsuplado sa mga kababayan sa Amerika!

  1. Tao rin sya tulad mo na may mga time na wala sa mood, masama ang pakiramdam at pagod sa biyahe, siguro di nya lang makuhang ngumiti dahil pagod pa sya sa biyahe at sadyang may nararamdamang di mabuti, minsan kasi ang tao by nature akala nila porke artista di na TAO tulad nila.

  2. totoo po yan kc kilala ko mismo ung nag invite s knila sa dinner at meron cya pictures lhat ng kuha ni bitoy plastic ang ngiti as in pilit na pilit…grabe kakaturn off tlga ….

    • HALOS LAHAT NAMAN NG MGA ARTISTA GANYAN. FEELING MATAAS. EH KASI NAMAN, ANG MGA PINOY FANS SA ABROAD, PARANG MGA WAPAKELS KUNG MAGTILIAN AT MAGTAKBUHAN. SIGURO SABIK NGA SA MGA ARTISTANG PINOY. KASO, IT’S EMPOWERING THESE STUPID ACTORS AND ACTRESSES. FALSE EMPOWERMENT NGA LANG. DEVAH?

  3. tama na nga mga paninira nyo kay bitoy. di totoo yan. lahat ng tao sa california eh naka smartphone eh bakit walang video or kahit na isang picture lang na naka-simangot nga si bitoy. kagaguhan

Leave a Reply

Your email address will not be published.