Michael V, ligtas na sa Dengue

Instagram post ni Ogie Alcasid na kinunan habang nasa ospital si Michael V.

Instagram post ni Ogie Alcasid na kinunan habang nasa ospital si Michael V.

MABUTI’T GUMAGALING na si Michael V na ilang araw din sa hospital dahil sa Dengue.

Nag-worry ang mga kaibigan ng komedyante at mga supporters nito dahil sa napabalitang nangangailangan ito ng dugo.

Bumaba pala talaga ang platelets nito kaya nanawagan sila kung sino ang makapagdo-donate ng dugo.

In fairness, ang dami namang nag-donate at sobra sobra na nga. Kaya nu’ng nakausap namin si Bitoy sa phone patch interview namin sa kanya sa Startalk, nagpasalamat ito sa mga nag-alala, dumalaw, nag-donate ng dugo at nagdasal para gumaling ito.

Doon na rin nilinaw ni Michael V na hindi totoong lilipat siya ng istasyon. Hindi naman daw niya puwedeng iwan ang mga toprater na programa niya sa GMA 7.

Sana nga tuluy-tuloy na ang paggaling ni Michael V.

 

Claudine Barretto at Raymart Santiago, nakansel ang hearing dahil sa sakit sa balat ng aktres

 

NAKU, ‘DAY! Hindi pa to tapos ‘tong hearing hearing na ‘yan nina Claudine Barretto at Raymart Santiago, pati ‘tong kina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Alam ko meron dapat hearing uli sina Raymart at Claudine nu’ng nakaraang Biyernes pero hindi raw natuloy dahil nagkasakit daw si Claudine.

Nag-post nga raw sa Instagram niya na meron siyang Chronic Urticaria na isang uri ng sakit sa balat daw. Kaya kinansel na ang hearing sa umaga at pati sa hapon.

Pareho naman sila ni Raymart na wala pang programa kaya ito munang sa hearing ang pinagkakaabalahan nila.

Kuwento lang sa akin ng mga reporter na nagku-cover sa hearing nila, ang napapansin ang nila, tuwing matapos ang hearing, napakaaliwalas daw ng mukha ni Raymart. Si Claudine naman ay laging malungkot na laging galing sa pag-iyak.

Nu’ng huling hearing nga, na-interrogate daw nang husto si Claudine ng mga abogado ni Raymart kaya iyak ito nang iyak. Mahigit dalawang oras sila sa korte na wala raw ginawa si Claudine kundi iyak lang nang iyak.

Sabi nga ng aktres, emotionally-draining daw ang hearing na ‘yun kaya napagod ito nang husto.

Si Raymart kaya iiyak din?

Pero hindi pa raw sila muna puwedeng magsalita tungkol sa kaso dahil sa gag order. Pero parehong positibo sina Raymart at Claudine na aayon sa kanila ang desisyon ng korte.

Tingnan na lang natin!

 

Sunshine Cruz at Cesar Montano, joint custody sa kanilang 3 anak

 

ITONG KASO rin nina Cesar Montano at Sunshine Cruz ang isa rin sa sinusubaybayan ngayon dahil matindi rin itong mga bintang ni Sunshine sa aktor.

Pero sabi ng abogado ni Cesar, kaya raw nilang harapin ito at the fact na na-dismiss na nga raw nu’n ang unang pag-file ni Sunshine ng petition for Temporary Protection Order, malamang na ganu’n din daw ang desisyon ng korte.

Tingnan na lang natin.

Pero nitong nakaraang hearing, kay Sunshine napunta ang mga bata at kasama pa rin yata niya hanggang ngayon.

Panay raw ang post ni Sunshine ng mga litrato nito sa Instagram account niya na kasama ang tatlong anak nila ni Cesar.

Pati yata sa taping niya sa Dugong Buhay ay kasama ang mga bata kaya nababantayan niya ito.

Pero ang dinig ko, joint custody sila sa mga bata kaya siguro pagkatapos ni Sunshine, kay Cesar naman sila.

Ang nakakaawa lang, mga bata na walang kamalay-malay sa away ng kanilang magulang. Sila ngayon ang nagdurusa dahil hindi nila alam kung saan talaga ang kanilang tahanan. Hay, naku!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.