Michael Pangilinan, bagong ‘kilabot ng mga kolehiyala’

NAKAKATUWA ITONG alaga ni Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan, dahil unti-unti na siyang nakikilala mula sa pagsali niya sa X-Factor. Maganda pa ang timbre ng boses ng 17yo Pampangueño.

‘Yung “Kung Sakali” na ni-revive niya’t pinasikat ni Pabs Dadivas ay puring-puri ni Joey de Leon, at ang sabi, “Ito ang pinakamagandang version na narinig ko.”

An’dami na ngang curious dito sa batang ito, kaya ‘eto na, sa Aug 8 ay may show siya sa Zirkoh Morato at dito’y patutunayan niyang puwede din niyang kabugin ang mga blind auditionee sa The Voice Of The Philippines.

Guests sa “Michael Pangilinan – Bakit Ba Ikaw?” show sina Carlo Aquino, Duncan Ramos, Luke Mejares, Jimmy Bondoc, Prima Diva Billy, Gen. Benjie Belarmino, Sexbomb Dancers Aira and Mhyca, Mary Joyce Pascua and Gladys Guevarra plus the very special participation of comedians Chokoleit and Ate Gay. Musical director si Butch Miraflor.

Out na rin sa record bars ang self-titled album niya (kung saan kasama rin ang bonggang rendition niya ng “Dance With My Father” at carrier single ang “Bakit Ba Ikaw?”) under Star Records.

Kung noong 70s ay si Hajji Alejandro at nu’ng 90s ay si Ariel Rivera, ngayong dekada naman ay hinuhulma naman si Michael bilang bagong “Kilabot Ng Mga Kolehiyala”.

Wish namin sa batang ito, sana, makasama sa ASAP 18.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

3 thoughts on “Michael Pangilinan, bagong ‘kilabot ng mga kolehiyala’

Leave a Reply

Your email address will not be published.