Michael Pangilinan at Garie Concepcion, level up na ang relasyon

Michael Pangilinan And Garie Concepcion

Michael Pangilinan And Garie Concepcion

Mukhang seryosohan na ang pag-iibigan ng magkatipan na sina Michael Pangilinan at Garie Concepcion (ang anak ni Gabby Concepcion sa businesswoman na si Grace Ibuna).

Kung hindi ba naman seryoso ang ang dalawa sa kanilang relasyon ay hindi aabot sa pagpapakilala ng dalaga sa kanyang ama ang boyfriend na si Khiel.

Sa kabila ng kabisihan ni Michael Pangilinan sa kaliwa’t kanang commitments; last Sunday ay lagare siya sa isang campaign promo ng dalawang kompanya with guestings sa tatlong entablado. Una ang sa Trinoma Mall na sinundan ng isa sa Robinson’s Galeria at ang last ay sa SM Megamall.

Happy ang kaibigang Jobert Sucaldito (manager ni Michael) sa magandang blessings na dumarating sa career ni Khiel na mabait naman kaya nabibiyayaan.

Ang pag-iibigan nila ni Garie na nasa nasa 8th months na at umabot na sa introduction ng dalaga ng kanyang boyfie sa ama, ibig sabihin nito to a higher level na talaga ang pagmamahalan nila.

We wish both a happy boyfriend-girlfriend relationship na walang aberya at problema.

Alam naman ng mga kaibigan nila na may “Trust” sila sa dalawa.

By the way ire-release na ang pangalawang album ni Michael na “Hanggang Kailan” para sa Star Music.

Last Saturday evening, special guest si Khiel sa concert ni Moriesette na ginawa sa Music Museum.

This coming Sunday (August 21), catch Michael together with Marion Aunor as special guests sa concert ng bagong alaga ng kaibigang Jobert sa Music Box na si Kiel Alo.

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.