Michael Martinez, umatras sa World Championship sa Bulgaria

UMATRAS NA sa Junior World Championships sa Bulgaria ang Pinoy figure skater na si Michael Christian Martinez.

Ito ang inanunsyo ng kanyang inang si Teresa kasunod ng desisyon ng mga manggagamot at coaches ng Olympian figure skater.

Napag-alaman na mula nang masungkit ang ika-19 na pwesto sa katatapos na Winter Olympics sa Sochi, Russia, nitong Miyerkules na lamang muling nakabalik sa pag-eensayo si Martinez.

Posibleng makaapekto sa skater ang matagal na panahon nang kawalan ng ensayo bukod pa sa mga injury na tinamo nito mula sa ilang training session.

“It’s getting better, I’m starting to get the jumps a little bit but it’s not enough.”

“For figure skating, kailangan talaga only up to 2 days, 1 days rest or 2 days. Maximum is 3 days. But if you exceeded that it’s like yung body memory, yung jumps mo, you couldn’t do it anymore, your spins, you will get dizzy easily,” ayon pa kay Martinez.

Gayunman, hindi nasayang ang pagpunta ng 17-anyos na skater sa US na nakituloy pa sa ilang Pinoy at dayuhang fans.

“It’s so heart warming that everybody now acknowledge my talent. Everybody now is supporting me so I’m very thankful for that. I feel very happy, it feels like, feeling ko iiyak ako nang nakita ko ang dami nang sumusuporta sa akin.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.