Michael Jackson, namatay nang purdoy!

SINO NGAYON ANG magsasabing sa Pinoy showbiz lang nangyayari ang mga kuwentong nakakaloka kung iisipin? May mga nagsasabing marumi raw ang mundo ng lokal na aliwan sa Pilipinas. Pero maraming Pinoy sa Amerika ang nagsasabing pumapangalawa lang tayo sa Hollywood, dahil mas matindi ang mga kontrobersiyang nagaganap sa mga artista du’n.

Sabi ng isang kaibigan naming sa Amerika na tinubuan ng puting buhok, “Mas matindi rito, parang laro lang ang kasal sa mga artista, palibhasa, dalawa-singko lang ang divorce dito.

“Buti nga riyan sa atin at bumibilang pa nang taon bago maghiwalay ang mga artista, rito, araw lang ang bibilangin mo. Basahin mo ang diyaryo ngayon, ikinasal si ganito at ganyan.

“Magbilang ka lang ng mga araw, magbasa ka uli ng diyaryo, hiwalay na ‘yung mga nagpakasal. Ganu’n sila, parang naglalaro lang sila ng jackstone kung magpakasal at maghiwalay rin agad,” kuwento ng aming kaibigan.

May bagong kuwento ang aming kaibigan tungkol sa pagkamatay ng King of Pop na si Michael Jackson. Bago raw pinakialaman ng pamilya ng Pop Icon kung ano na ang nagaganap sa kanyang bangkay na inootopsiya, una munang kinausap ng mga ito ang mga kasama sa bahay ni Michael.

“’Yung isang kamag-anak ng friend ko, nagtatrabaho siya sa opisina ni Michael nu’ng kalakasan pa ng kanyang singing career. Wala na siya sa poder ni Michael, ilang taon na siyang nagwo-work sa ibang opisina.

“Pero nakatanggap siya ng tawag mula sa mother ni Michael, ang akala naman nu’ng tao, e, matindi ang pagdadalamhati ng pamilya dahil namatayan nga sila!

“Alam mo ba kung ano’ng itinanong ng mommy ni Michael sa kanya? Saan daw ba itinatago ni Michael ang pera niya? Nag-check daw kasi sa bank ang mag-iina, pero wala namang pera sa banko si Michael, kaya inisip siguro nila na siguro, may safe na lang na pinaglalagyan ng pera niya sa bahay si Michael.

“Natural, ang sagot ng relative ng friend ko, e, hindi niya alam. Totoo naman kasing hindi na niya alam dahil matagal na siyang walang contact kay Michael!

“Imagine, ‘yung pera pa agad ang una nilang inintindi? Kani-kanyang hakot na rin sila ng mga kagamitan ngayon ni Michael, kinalbo na nila ang bahay nu’ng tao, nakakalungkot talaga,” pabuntong-hiningang kuwento ng aming kaibigan.

ANG MILYONARYONG SI Tom Baric ang nagmamay-ari ngayon ng Neverland ranch ni Michael Jackson sa Sta. Barbara. Ito ang sumalo sa utang ng King of Pop sa banko, tumataginting na dalawampu’t tatlong milyong dolyar ang sinagutan nito, para hindi mailit ang malawak na bakuran.

Nu’ng mamatay si Michael, ipinakalampag din pala ng pamilya ni Michael ang milyonaryong negosyante sa kanilang abogado. Ang tanong ng pamilya, kumpleto ba sa mga dokumento si Tom Baric para maiprisinta sa kanila na ito na nga ang legal na nagmamay-ari ng rancho ng namayapang King of Pop?

“Alam mo, hindi sila binigyan ng audience ni Tom Baric, instead, ipinadala lang sa kanila ang xerox copy ng mga dokumento para malaman nila na kahit singkong duling, wala nang participation sa Neverland ranch si Michael.

“Nakakaloka sila, ‘di ba? Mag-isang namuhay si Michael nu’ng nabubuhay pa, ni hindi nga nila nadadalaw man lang ‘yung tao, kaya kung sinu-sino na lang ang nakasama niya sa bahay.

“Pero ngayong patay na, saka nila pakikialaman ang mga properties na naiwan ni Michael, baka nga naman kasi may mahabol pa sila, nakakalungkot talaga,” sabi pa rin ng kaibigan namin.

At pumasok na sa aming kuwentuhan ang paghuhugas-kamay na ama ni Michael na si Joe Jackson, ang tatay na ayon kay Michael ay pinapalo siya kapag inaabot siya ng pagkabagot sa pagkanta. Humaharap ngayon sa media si G. Jackson na nagluluksa at parang magkasundung-magkasundo sila ni Michael nu’ng mamatay ang King of Pop.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

Related Post

loading...

14 thoughts on “Michael Jackson, namatay nang purdoy!

  1. hoy cristy saan mo naman yan napulot aber ang info mo?

    kesyo kaibigan ng kaibigan mo! hahahaha

    Go to CNN do your research!

    MICHAEL still owns HALF share of SONY!

  2. anong kaibigan ang pinagsasabi mo CRISTY? hahaha
    tumahimik ka nga maski si Michael pinakilialam mo!

    KNOW THE WHOLE STORY MUNA before ka gumamit ng name ng friend mo!!!!

    You should go to wikipedia then.

    Michael still owns half of the asset sa Sony and more…

    SHUT UP CRISTY!

  3. Hoy Cristy tumahimik ka na nga lang, nakakahiya yang pinag susulat mong wala naman kwenta, bat di mo nalang isulat yung mga utang mo na ilang tAON mo tinakbuhan… kakahiya ka PANGET!

  4. Jina-justify mo ba Cristy na ok lang yung style ng chismis mong walang kwenta kase mas harsh sa amerika???

    Wateva cristy!

    Napanuod mo ba yung holywood film na paparazzi?? Hahaha you should watch it.

  5. Nakaka awa naman kung totoo lahat ng yan nanay Cristy. Nakaka relate ako na kapag buhay pa ang tao, walang pakialam ang mga kapamilya. Kapag namatay na at akala eh mayaman, dun hahabulin ang kayamanan kung may natira man. Parang Pilipino rin.

    Habang nabubuhay at may pagkakataon, MAG IPON! At yun mga kamag anak naman, wag lang umasa sa iisang tao na nagtrarabaho. Magbanat rin ng sariling buto! Hindi na nahiyra, isang taong nagtratrabaho, sampu o dalawampung tao ang nag aabang!

    Yan, patay sila ngayon kung may makuha man sila.

    Saka yun mga io-auction na memorabillia ni Michael, siguro pambayad utang nalang yun.I head he owes $500M to different sectors and companies.

  6. cristy, feeling may close connection ka sa mga kakilala ni MJ. if i know, nakuha mo lang yang chika mo sa PEOPLE.COM under the article “Former Nanny Tells of Michael’s Drug Use”. nagdagdag-bawas ka lang para kunwari story mo. style mo bulok, parang mukha mong pinaglihi sa sinok.

  7. Tita Cristy, tinanong ng nanay ni Michael kung saan nakatago yung pera ni Michael kasi natatakot sya baka kunin lang ng mga nakapaligid ni Jacko yung mga pera nya. Di ba inabuso sya ng husto ng Nation of Islam regarding money matters. Inamin naman ni Mrs. Jackson yun sa TMZ that she fears looting of Michael’s assets. Merong dalawang alas si Michael, isa yung Beatles catalogue na 1.2 Billion dollars ang halaga, pangalawa, yung sales ng records and singles ni Michael all over the world which skyrocketted afeter he died. Punta ka sa itunes and emusic 90% ng top 100 songs kanta nya. Di pa kasali yung mga memorabilia na balak nyang i-auction. Na-postpone yung auctioning last March, pero now that he is dead, yung jacket that was initially priced at $46,000 is said to be in the hundred thou na. Isa pa lang yun sa maraming i-au-auction.

  8. hahaha! cristy nag imbento ka na naman , may pa AYON SA KAIBIGAN KO charut ha! para di mapag bintangan na ikaw na naman ang nag dagdag ng maling impormasyon! FYI nasa mom ni MJ ang 3 niyang anak, natural naman kanino mapupunta ang yaman, syempre sa anak! kaloko ha! FYI din, bat ganyan ang title mo? 1billion ang asset ni michael 500 million utang nya so meron pa natitirang 500 million , hindi yan purdoy, kung purdoy na yan sa iyo, eh ikaw? mahirap pa sa daga? hahahaha!

    • correct valkyrie! although we don’t know exactly the net worth of MJ now that he is dead, one thing is clear he is definitely not purdoy. although he is not liquid he is definitely not insolvent. Cristy huwag mong pakialamang i-report ang di mo naiindintihan. kaya siya maraming utang kasi maraming nag-papautang dahil marami siyang assets na collateral. he borrowed those tons of debts against his vast assets.
      now that he is dead, his wealth is growing in numbers. sa america, they dont need to trace the money in the bank through a person because the banks annually report the interest earned to IRS. So IRS will write you back of the interest unreported in your tax return. Eh Michael Jackson iyan, they can easily trace his address. may accountant din iyan at may records sigurado iyan ng tax returns sa bahay kaya di iyan pwedeng itago sa america. makapagkwento lang kahit ano na lang.
      magsulat ka na lang ng mga maaalupusta mong filipino showbiz personality para mademanda ka ulit.

      • korak! d pa natigil tung cristy! kawawa naman ang walang ka malay2x na MJ. cristy, sa susunod kung magsulat ka wag manggamit ng iba kung anu-anong sinasabi mo may AYON PA always heller? ok ka lang! stigma na ata sa iyo ang sinungaling, tsismosa, mahilig manlait at mademanda. hay cristy, patahi mo bibig mo lol

      • i agree with you. sus ito talaga mga tao dyan sa pinas o… igaya pa sa style sa pinas. its really different system. so kahit sabihin dami mo utang it doesnt mean wala kang asset. you can have a lot of utang but you have a lot of properties which is having a very high value. like us here in europe dami nami utang sa bangko hahahahha pero meron din kami mga asset. e di ka naman makautang wala kang asset or stable income, tao talaga focus lang sa mga negative, be positive nga. hay…

  9. aguy manay christy,natural may tatlong ank c Michael kaya kailangan nla isecure ang mga ank nito,ofcourse its a very human nature noh!!!ngek gek mo..at syaka anu ba yang xerox copy mo FYI XEROX is a brand of a photocopying machine,ang ignoy talaga ng pinoy,u would say A Photo copy not a xerox copy..hahayyyyyy nkakahiya,kaya tuloy dami gumagaya super mali nman

Leave a Reply

Your email address will not be published.