MGEN Bautista bagong Army Chief

INANUNSYO NA KAHAPON ng Malacañang ang pagtatalaga kay bagong Army chief Major Gen. Emmanuel Bautista kapalit ni outgoing Lt. Gen. Arturo Ortiz.

Ngayong araw na ito ay manunumpa si Bautista sa Fort Bonifacio, Taguig  City.

Si Bautista ay kasalukuyang commander ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Capiz.

Sinabi naman ni Deputy Presidential Abigail Valte na kumpiyansa si Pangulong Benigno Aquino III sa  mga repormang sinimulan ni Ortiz sa Hukbong Katihan.

Si Bautista ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1981 at siya rin ay nagtapos ng Joint & Combined Warfighting Course sa Joint Forces Staff College, Virginia, USA; Grade II Staff and Tactics Course sa New Zealand at mayroon din siyang Masters Degree in Business Administration mula sa University of the Philippines, Diliman.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.