Mga Young Writers ng Candon City, sasanayin

SASAILALIM SA ISANG matinding pagsasanay ang mahigit na 200 na young writers mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa elementarya at sekundarya sa Candon City, Ilocos Sur ngayong Nobyembre 9-10 bilang paghahanda sa nalalapit na Regional Schools Press Conference na gaganapin sa buwan ng Disyembre.

Kasama ang kani-kanilang mga school paper advisers, sasanayin sila sa tamang proseso ng pagsusulat ng Editoryal (Editorial Writing), Balita (News Writing), Balitang Isports (Sports Writing), at Feature Writing sa wikang Tagalog at wikang Ingles. Ituturo rin sa kanila kung paano naisasagawa nang tama ang copy reading, headline writing, at photojournalism.

Ang naturang pagsasanay ay magkatuwang na isusulong nina Caridad B. Oasan, Education Program Supervisor I ng English, at ni Edgardo Pescador, Education Supervisor I ng Filipino, sa tulong na rin  ni Jorge M. Reinante, Schools Division Superintendent ng DepEd – Candon City.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.