Mga Wagi sa Star Awards!

MATAGUMPAY NA IDINAOS ang ika-24 PMPC Star Awards for Television noong Nobyembre 13 sa Resorts World Manila, Newport City sa Pasay, kung saan kinilala ng ating mga kasamahan sa panulat ang mga natatangi at mahuhusay sa mundo ng telebisyon.

Bumaha ng mga bituin mula sa Kapamilya, Kapuso at Kapatid networks upang saksihan ang taunang award ceremony. Maraming sikat, papasikat, pasikat at la-ocean deep na mga taartits ang bumida

at nagpabida ng gabing iyon. Sure na pag-uusapan at pagtsisismisan na naman ng mga intrigero’t intrigerang makakati ang dila ang katatapos lamang na special event. Pustahan?

Congratulations sa lahat ng winners mula sa amin dito sa Pinoy Parazzi, at siyempre congratz na rin sa mga hindi pinalad na maiuwi ang kumikinangkinang na tropeo… Winner na rin naman ang ma-nominate,

‘dubah?!

Halina’t silipin natin ang ilan sa mga masusuwerteng nagsipagwagi at kayo na rin ang humusga kung deserving ba talaga sila to win, o may sey talagang mag-ampalaya ang mga talunan…?

Photos by Ricky Agapito & Mark Atienza

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.