Mga VK sa Caloocan, Hiniling na Paghuhulihin

HINIHILING NG mga residente sa ilang barangay kay Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan na ipag-utos na hulihan lahat ang mga nagkalat na video karera machine sa kanilang lugar dahil nakasisira sa pag-aral ng kanilang mga anak.

Ayon sa mga residente, isang nagngangalang “Oyie” na isang non-uniformed personnel (NUP) ng Caloocan City Police ang operator ng mga VK sa Barangay 28, Barangay 73 at Barangay 8 ng nabanggit na lungsod.

“Walang pulis na maglakas loob umano na hulihin ang mga nagkalat na VK ni Oyie sapagkat isa itong “untouchable”

na VK operator,” sabi pa ng mga residente.

Sabi pa ng mga residente, apat na piraso ng VK ang nakalatag sa Barangay 28, apat din sa PNR sa Barangay 73 at isa naman sa Barangay 8 na pag-aari lahat ni Oyie.

Nabatid pa sa mga source, isang nagngangalang “Boy C”o “Boy Kalkal” ang nagsisilbing front ni Oyie sa kanyang illigal na aktibidades.

Dapat aksiyunan kaagad ni Mayor Malapitan ang kanilang hinaing dahil baka dumating ang oras na matutong magnakaw ang kanilang mga anak kung wala nang ipamusta sa pagsusugal sa VK, dagdag pa ng mga residente.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.