Mga Tulog na Traffic Enforcer!

0947-216xxxx – Good day, sir! Paki-aksyunan naman po itong daan papuntang Sangandaan dito sa Malabon. Grabe po ang traffic, lalo na po rito sa tapat ng Puregold Monumento. Kahit po may nakalagay na “No Parking” ay walang habas pa rin po ang matagal na pag-istambay ng mga jeep. At wala pong ginagawa ang traffic enforcer na naka-duty roon. Pati na rin po ang iligal na terminal sa tapat ng Sogo Monumento na may rutang Divisoria, sobrang nakadudulot ng traffic. Pakikalampag naman po ang MMDA.

 

0922-231xxxx– Sir Raffy, sana po ay matulungan n’yo po kami sa reklamo namin. Kami po ay concerned citizens ng Sto. Tomas, Isabela. Gusto po naming ireklamo ang pagawaan ng gulong sa aming lugar. Araw-araw po kung magsunog ng gulong dito. Pagmamay-ari po ito ng aming mayor na si Mayor Talaue. Nagkakasakit na po ang mga tao dito at karamihan ay nagkakasakit sa baga dahil sa kapal ng usok. Sana po ay agad na maaksyunan ito. Maraming salamat po!

 

0922-620xxxx – Pakiimbestigahan naman po itong towing truck na may plate number TWU 503. Bigla na lang po nilang inangkla ‘yung pambatak nang nakita nila kaming nakahinto sa MRT Santolan sa may Marcos Highway. Wala pa po kaming limang minutong nakahinto dahil sa may inaayos lang po na minor problem ang driver namin. Ang masama pa po rito ay siningil kami ng P2,000 nang walang binigay na resibo. Sana po ay maaksyunan ito para wala na pong ibang mabiktima ng grabeng pangongotong ng MMDA.

 

0939-655xxxx– Good day po, Sir Raffy. Isa po akong oncerned citizen. P’wede po bang paki-check lang po ang Facebook profile ng isang teacher sa Norala National High School na si Richard Denila. May nakita po akong tatlong video sa kanyang page na tinuturuan niya po ang mga bata tungkol sa baril. May karapatan po bang maging teacher ang mokong na ito? Salamat po!

 

0918-358xxxx – Ilalapit ko lang po sana ang apat na babae na kakilala ko po, sana po ay matulungan ninyo sila. Nakakulong po sila sa Sabah, Malaysia at sa ngayon po ay nangangailangan sila ng damit at pagkain. Nailipat na raw po sila sa sa Kota Kinabalu Immigration for deport kaso wala pa po silang ticket pang-uwi. Kung p’wede po ay pakikalampag ang Philippine Embassy or DFA para po matulungan sila.

 

0926-157xxxx – isa po akong guard sa isang mall dito sa Makati. Araw-araw po kaming may guard mountane at every Friday po ay may karate kami. Ini-require raw po ito ng kliyente pero kami ang nagbabayad simula pa noong 2011 hanggang ngayon. Kapag hindi kami naka-attend ay nagagalit itong si Ayala Security Force, Carlos Gonzales, minumura kami at sinasabing tatanggalin kami sa trabaho. At kahit konting pagkakamali ay tinatanggal nga niya sa trabaho. Sana po ay matulungan niyo kami.

 

ANG INYONG lingkod ay mapakikinggan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3FM Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 p.m. Ito ay kasabay na mapanonood sa AksyonTV Channel 41. Sa mga nais magsumbong o magreklamo, magsadya lamang sa WSR Action Center na matatagpuan sa 163E Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Quezon City. O hindi kaya’y mag-text sa aming text hotline sa 0949-4616064.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa T3 Reload, Lunes hanggang Biyernes, 5:30-6:00 p.m. sa TV5.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.