Mga Tsuper, Magbabagong-Bihis

ILULUNSAD NG Department of Transportation and Communications (DOTC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) katuwang ang isang grupo ng mga tsuper ang Programang 4-Ma o Masunurin, Mai-

ngat, Magalang at Marangal na mga driver.

Pangungunahan ni DOTC Secretary Mar Roxas at LTFRB Chairman Jaime Jacob ang paglulunsad ng programang ito na naglalayong maiangat ang kalidad ng pagmamaneho ng mga driver sa bansa at maging maganda ang imahe ng mga tsuper.

Ayon kay Captain Lino Marable, national president ng Code Exiting Coalition of Operators and Drivers of PUV Express, bahagi rin ng programa ang pagsasailalim sa mga driver sa refresher course hinggil sa tamang pagmamaneho na suportado naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino.

Inilunsad din ng grupo ang Search for 10 Outstanding Asian utility vehicles (AUV) drivers kung saan mismong pasahero ang boboto o pipili.

Kabilang sa mga kuwalipikasyon ang malinis na rekord sa aksidente, kaalaman sa traffic rules, malinis na sasakyan at pagiging mabango ng mga tsuper.

Agad nilang aaksyunan ang mga reklamo hinggil sa mga driver na hindi malinis sa pamamasada at tiniyak na may karampatang parusa ang anumang paglabag sa programa, dagdad pa ni Jacob. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.