Mga truck driver, demoralisado sa operasyon ng LTO

DEMORALISADO KAHAPON ANG mga truck driver bunsod sa pagkaantala ng mga ito sa mga weighing stations na itinalaga ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa iba’t ibang lugar sa Maynila kaugnay sa implementasyon ng mga taga-ATOME sa panghuhuli ng mga overloaded trucks na pumapasok at lumalabas ng Metro Manila .

Naitala magmula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng tanghali na nakahuli ang pinagsanib ng mga tauhan ng Anti-Truck Overloading Mobile Operation (ATOME) ng 12 overloaded trucks sa mga itinalagang stations.
Kinuha ang driver license maging ang plate number ng truck kasabay sa pag-isyu ng Temporary Operators Permit (TOP) sa driver na may bisa sa loob ng 24 oras upang matubos ang lisensiya at plaka ng truck.

Itinalaga ang mga tauhan ng ATOME sa mga lugar ng Moriones Gate, Zaragosa Gate at Capulong malapit sa North Harbor, 25th St., 8th St., at 2nd St. sa South Harbor, MIA Road cor. Coastal Road sa Parañaque City, Quirino, Las Piñas City, Manila South Road, Viaduct, Muntinlupa City, Sumulong/ Marcos Highway, Ortigas Extension, Commonwealth Avenue-Quezon City, San Jose-Novaliches Road(Quirino Highway), Caloocan City at Mac Arthur Highway-Valenzuela.

Ang grupo ng ATOME ay ang pinagsama-sama na mga kawani ng DPWH, kinatawan mula sa Philippine National Police,  at  mga taga-Metro Development Authority (MMDA) na deputized ng Land Transportation Office (LTO).
Ayon kay Secretary Rogelio Singson, “We are not just doing this for the collection of penalty fees… we are doing this to protect and preserve our national roads and bridges to assure public safety as well.”

(FROILAN MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.