Mga TNT sa Japan na pinauwi sa ‘Pinas, dismayado: WILLIE REVILLAME, ‘DI TUMUPAD SA PANGAKO!

HINDI NAMIN NABALITAAN dati pero kuwento ng kaibigan naming nasa Japan. There was a time pala na nagpunta roon si Willie Revillame. Ito’y kaugnay umano ng misyon ng TV host na hikayatin ang mga overstaying na mga kababayan doon na huwag nang mag-TNT at umuwi na sa Pilipinas.

Kaakibat pa raw ng pang-i-engganyo ni Willie na mapauwi ang mga kababayan nating TNT sa Japan ay ang pangakong tulong umano na makahanap ng trabaho rito sa Pilipinas. At marami naman nga raw nahimok ang TV host na magsibalik na lang ng bansa.

Ang kaso, nadismaya raw ang mga Pinoy na nakumbinsi ni Willie na bumalik ng ‘Pinas. Pagdating daw kasi ng mga ito sa bansa, nawala na ang pangakong tutulungan silang magkatrabaho. Dahilan para sumama umano ang kanilang loob sa TV host.

Kumbaga, pinauwi lang daw pala sila ni Willie para iwan sa ere. Kung alam lang daw nila, hindi pa rin sila umuwi. Dahil kahit TNT umano sila sa Japan, at least ay nakapaghahanap-buhay pa rin sila, maayos ang kita, at nasusuportahan ang kani-kanilang pamilya.

‘Yong mga hindi raw na-convince ng TV host na umuwi sa ‘Pinas, thankful na mas pinili nilang manatili pa rin sa Japan. Dahil kung hindi, gutom din daw pala ang aabutin nila kagaya ng mga kasamahan nilang nagsibalik na sa bansa.

We’ll try to get Willie’s side on this. Never kasi naming narinig sa kampo niya ang tungkol sa ganitong bagay before.

Hindi kaya ito ‘yong programa dati ni Senator Manny Villar na pagtulong sa may problemang mga OFW? Kumbaga, nakibahagi lang si Willie tanda ng full-support ng TV host sa natalong Presidential candidate.

If that’s the case, hindi kay Willie dapat sumama ang loob ng mga napauwing Pinoy na TNT sa Japan. Wala namang puwesto sa gobyerno ang TV host para hanapan siya ng responsibilidad na magbigay ng trabaho sa mga ito.

Mismo!

FROM HER BUSY schedule bilang regular guest performer sa world concert tour ni Julio Iglesias, nakakita ng pagkakataon recently ang reigning Bb. Pilipinas-International na si Krista Kleiner o mas kilala bilang Kapuso star na si Krissa Mae, na sandaling makadalaw sa kanyang pamilya sa Amerika. Bitin nga raw ang bakasyon na ‘yon ng dalaga na tumagal lang ng three days.

Nami-miss daw talaga ni Krissa Mae ang mga mahal niya sa buhay kabilang na ang boyfriend niyang si JayR. Pero once in a lifetime chance at experience din nga na mapasama siya sa concert tour ng international singer na si Julio Iglesias at maglibot sa iba’t ibang panig ng mundo. Magandang training din daw ito for her para mas maka-gain ng confidence sa sarili at sa pakikiharap sa lahat ng klase ng tao bilang paghahanda na rin sa paglaban niya sa Miss International pageant na gaganapin sa China sometime this October or November.

Aware daw si Krissa Mae na dahil sa ilang buwan niyang pagsama sa world concert tour ni Julio Iglesias, may mga nag-iisip na baka tsinu-tsurba-tsurba na siya ng nasabing international singer. Inaasahan na raw niya kung magkaroon man ng malisyosong tsismis o intriga sa kanilang dalawa.

Parang daddy raw ang turing niya kay Julio Iglesias na halos kaedad daw nga ng kanyang ama. At parang anak naman din daw ang trato nito sa kanya. Madalas nga raw silang nagkakakuwentuhan. At marami raw mga advice din ang naibibigay ng international singer kay Krisssa Mae. She’s learning a lot daw talaga from him.

Sobrang bait daw ni Julio Iglesias kay Krissa Mae. Nakikita raw nga niya ang kanyang ama sa katauhan nito.

Bongga raw ang TF niya sa nasabing world concert tour na ayaw na niyang banggitin pa kung magkano. Pero more than the monetary aspect, what she values most daw is the experience of traveling around the world for free nang naka-private plane at puro first class ang accommodation kasama nga ang world-famous singer na gaya ni Julio Iglesias.

Kabilang sa mga bansang napuntahan na ng kanilang world concert tour ay ang Australia, New Zealand, Thailand, at ang Malaysia kung saan sumunod umano roon si JayR para manood at mag-abot ng bouquet of flowers sa kanya. Pero ilang oras lang daw silang nagkasama ng binata na one day lang daw nag-stay roon dahil kinailangan na ring bumalik sa Pilipinas dahil sa mga commitments nito gaya ng pagiging host ng dating game show na Take Me Out.

Magkalayo man sila ngayon na tatagal ng ilan pang buwan, happy raw si Krissa Mae na going strong ang kanilang relationship.  Na-touch nga raw siya nang husto nang bigyan siya ng promise ring ni JayR. Hindi raw ito puwedeng masabing engagement ring.  Pero espesyal daw para sa kanilang dalawa ang nasabing singsing dahil simbolo ito ng pangako nilang magiging faithful sila to each other at mamahalin nang lubos ang isa’t isa.

Bukod sa promise ring, may na-compose din daw na kanta si JayR para kay Krissa Mae. Isasama raw ito ng binata sa bagong album na nakatakdang i-record nito. Talagang feeling pagkahaba-haba raw ng hair niya habang patuloy na pinatutunayan ng singer-TV host ang pagmamahal nito sa kanya.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Mga TNT sa Japan na pinauwi sa ‘Pinas, dismayado: WILLIE REVILLAME, ‘DI TUMUPAD SA PANGAKO!

  1. SOBRA KA NAMAN DAMAGE DI PA LAOS SI ATE RUFFA AT BROTHER RICHARD.HUMANDA KA AT MAG IISEP KAME BAGONG GIMMIK.MAGLADLAD NA KAYA AKOW PARAH PAG USAPAN NAMAN PAMILYA NAMEN.

  2. HOY BAKLANG BAYARAN NI WILLIE NA REPOTER HUWAG NA NINYONG ISULAT ANG WILLIE NA IYAN KAHIT BAYARAN KAYO DAHIL LIMOT NA LIMOT NA NAMIN SIYA AT HINDI NAMIN SIYA NA MISSED.KAYA ANG LAOS HUWAG NANG ISULAT GANOON DIN SI CRISTY FERMIN,RUFFA AT RICHARD GUTIEREZ.MGA LAOSSSSSS…..WALA KAMING PAKI.

  3. yan yung malapit na ang election. pumunta sila sa japan para kuno mag show. kampanya ni manny villar yun. nangako ng trabaho dito sa atin. akala kasi nila mananalo si villar dahil malakas daw na indorser si willienghiya. kaya kung ikaw naman TNT sa ibang bansa siyempre lang na natanggapin mo yung alok. kaya lang natalo si villar at naubos ang pera sa election. kaya yung pangako napako.

Leave a Reply

Your email address will not be published.