Mga Titser at Empleyado ng DepEd, Inip na sa PBB

NAIINIP NA ang halos kalahating milyong pampublikong guro sa bansa kung kailan maipagkakaloob sa kanila ng pamahalaan ang ipinangakong performance based bonus (PBB) noon pang Enero.

Sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Rep. Antonio Tinio na inamin nitong nagkakaroon ng delay ang pagproseso sa PBB ng mga guro.

Inihayag ng kongresista ang prosesong ginagawa ng Department of Education (DepEd) at Department of Budget and Management (DBM) upang maisaayos ang naaangkop na PBB sa bawat teachers.

Sa tantya ni Tinio, nasa 90-porsyento pa lamang ang naisusumite ng DepEd sa DBM at dadaan pa ito sa review.

Nilinaw rin ng kongresista ang halaga ng matatanggap na bonus ng mga guro.

Samantala, hangad naman ni Tinio na maibalik ang dating sistema na across-the-board bonuses para sa mga teachers upang hindi magkaroon ng kumpetisyon sa pagitan ng mga guro at mga empleyado ng DepEd.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.