Mga Tilapya sa CamSur, Patay sa Heat Stroke

PINABULAANAN NG Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may namataang fish kill sa bahagi ng Lake Buhi sa Buhi, Camarines Sur.

Sa kabila ito ng patuloy na pagkamatay ng mga tilapya sa nasabing lake.

Sinabi ni Frank Ombao, tagapagsalita ng BFAR-CamSur na hindi pa maituturing na fish kill ang naturang sitwasyon.

Nabatid na heat stroke ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda dahil sa tuluy-tuloy na mainit na panahon.

Samantala, nakasasama rin umano sa mga isda ang biglaang pagbuhos ng ulan matapos ang napa-kainit na maghapon dahil hindi sanay ang mga isda sa pabago-bagong temperatura sa ilalim ng tubig.

Matatandaang ang Lake Buhi ang pangunahing pinagkukunan ng tilapya sa lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.