Mga Taxi na May Daya ang Metro, Pinagdadampot

LABING-ANIM NA taxi na may mga depektibong metro, kolorum at may nakalagay na batingting ang dinampot sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Media Affairs Division ng Manila International Airport Authority (MIAA) na 12 sa naturang bilang ang may depektibong metro habang apat ang kolorum.

Binubusisi rin ang bawat metro ng taxi at inaalam kung may nakalagay na batingting o gamit para madaya ang metro.

Nanguna sa nasabing operasyon ang mga tauhan ng airport police sa pangunguna ni Retired General Algier Tan at mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ginawa ang aksyon dahil sa samu’t saring reklamo ng mga pasahero partikular na ang overcharging.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang ginagawang operasyon laban sa mga taxi na may madadayang metro.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.