Mga Tauhan ni Ampatuan, Dinis-Armahan

DINIS-ARMAHAN NG PINAGSANIB na puwersa ng pulisya at militar ang walong tauhan at guwardiya ng kaanak ni Datu Unsay Mayor Datu Andal Ampatuan Jr. kahapon ng hapon sa lalawigan ng Cotabato.

Sa report mula sa Maguindanao Police Provincial Office na ipinadala sa Kampo Crame, alas-2:40 ng hapon nang magsagawa ng rally ang may isandaang empleyado ng Datu Saudi Ampatuan sa harapan ng munisipyo dahil sa ilang buwan nang hindi sila sumasahod.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating si Mayor Reshal Ampatuan at inatasan ang kanyang mga armadong tauhan na sirain at tanggalin ang mga streamers na inilagay ng mga nagrarali sa palibot ng munisipyo ng Datu Saudi Ampatuan.

Dahil sa nasabing kaguluhan, agad rumesponde ang pulisya at militar upang protektahan ang mamamayan sa takot na baka maulit na naman ang Ampatuan Massacre kung kaya’t dinis-aramahan ang mga security ni Mayor Ampatuan na sinasabing pawang miyembro ng Savior Weapons and Tactics Security Agency.

Nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya, hindi na nare-renew ang mga lisensiya ng kinumpiskang mga baril na kinabibila-ngan ng mga M-16 armalite rifle, M-14 at MP-5 machine gun na una nang kinuwestiyon ng mga residente kung bakit napakaraming security ni Mayor Reshal Ampatuan.

Agad na ipinag-utos ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu sa kayang bise-gobernador na si Samsudin Demaukom na resolbahin nang maaga ang nasabing sigalot upang maiwasan ang pagda-nak ng dugo sa lugar.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.