Mga Taga-Valenzuela, Umaalma VK, Lumalakas Ang Operasyon

TILA YATA WALANG saysay ang panawagan ni Pangulong Aquino para sa matuwid na daan sa Lungsod ng Valenzuela dahil nananatiling inutil ang lokal na pamahalaan na sawatahin ang iligalista sa lungsod.

Sinabi ng isang asset sa Valenzuela City, bulag, pipi at bingi umano si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian sa operasyon ni Video Karera King na si Rey Recto na mariing binabatikos ng mga residente at mga civic at religious organizations sa dahilang ang mga musmos na bata ay nalululong sa pagsusugal sa Video Karera.

Hayagan din ang mga beerhouses sa Valenzuela na nagpapalabas ng bold show at ang mga VIP room ay ginagawang parausan ng mga kostumer.

Idinagdag pa ng asset, kinukunsinti rin umano ni Gatchalian at ng hepe ng kapulisan na si Sr. Supt. Eric Reyes ang mga illegal vices sa kanilang lugar. Ang ipinagtataka ng mga residente ay bakit kung sino pa ang hepe ng kapulisan ay siya pang hindi nakakakita ng mga dapat hulihin. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.