Mga Suspek sa Pawnshop Robbery sa Iloilo, Tukoy Na

KAAGAD NA naghigpit ng seguridad ang Iloilo City Police Office (ICPO) kasunod ng nangyaring hold-up kahapon ng umaga sa Sarabia Pawnshop and Jewelry sa corner Guanco at JM Basa Sts., sa Iloilo City na pag-aari ng pamilya ng asawa ng Iloilo City congressman at vice mayor.

Kaagad nag-deploy ang ICPO ng mga pulis sa mga high risk establishments kagaya ng mga financial institutions at pawnshop.

Base sa impormasyon na nakuha ng mga awtoridad, may ideya na rin ang mga pulis sa grupo ng mga salarin.

Dalawa sa mga ito ang namukhaan ng mga tao sa paligid ng pawnshop na nasa lugar din kahapon at nagmamatiyag.

Napag-alaman na walang suot na bonnet ang mga hold-up men at ilan sa mga ito ay narinig pa na nagsasalita ng Cebuano at Tagalog.

Samantala, pinaniniwalaan ng pulisya na matagal nang pinagplanuhan ng mga suspek na tinatayang nasa siyam hanggang sa 10 ang nangholdap sa nasabing pawnshop.

Napag-alaman na ang pinangyarihan ng hold-up ay mataong lugar at marami ang nakahilerang sanglaan.

Kadalasan may presensya pa ng mga awtoridad ngunit kahapon, nagkataon na walang miyembro ng pulisya maliban lamang sa driver ng ICPO director na nagkataon na may pinaaayos na remote control sa lugar na siyang nakasagupa naman ng mga holdaper.

Sa ngayon, hinihintay ng mga kinauukulan ang resulta ng inventory ng may-ari kung magkano ang halaga ng mga alahas na natangay mula sa tatlong estante na minartilyo ng mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.