Mga suspek na nang-holdap, nanggahasa at pumatay sa UP employee, nadakip na

MATAPOS ANG ISANG linggong pagtugaygay ng elemento ng Caloocan Police, naaresto na nila ang dalawang panguna-hing suspek sa pangho-holdap, panggagahasa at pagpatay sa isang kawani ng University of the Philippines (UP) sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City at Bulacan.

Iniharap ni Mayor Enrico Echiverri sa mga mamamahayag ang mga suspek na si Erik Macaraan, 18, ng Phase 6, Package 2, Camarin ng nasabing lungsod at isang 16- anyos na hindi pinangalanan dahil menor-de-edad.

Ayon kay P/ Sr. Supt. Jude Wilson Santos, hepe ng Caloocan Police, bandang ala-1 ng madaling-araw nang madakip ng mga tauhan ni P/ Sr. Inspector Ronald Perilla, chief ng Sub-Station 5, si Macaraan sa San Vicente, Camarin.

Itinuro ni Macaraan ang kasama niya na dinakip sa San Roque, Plaridel, Bulacan, dakong alas-2 ng madaling-araw.

Positibong itinuro ng mga testigo ang mga suspek na siyang nang-holdap kay Jee Ann de Guzman, 26, dalaga, Marketing Department ng UP Hotel noong Oktubre 4, 2011, bandang alas-8 ng gabi sa kahabaan ng Vanguard Street, Camarin.

Una nilang hinoldap si Jerry Manioto, 20, technician at isinunod si De Guzman at saka dinala sa madamong lugar at ginahasa, saka pinatay.

Nahaharap sa kasong Robbery with rape, homicide at violation to RA 8294 ang mga naarestong suspek.

(ORLY L. BARCALA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.