Mga Suspek na Nagpasabog ng Granada sa KTV, Tinutugis Na

PINAGHAHANAP NA ang mga suspek sa pagpapa-sabog sa KTV bar na ikinasugat ng limang katao noong nakalipas na Marso 3, 2012 sa Caloocan City .

Sa progress report na ipinalabas ng mga pulis kahapon, pinaghahanap na ang mga suspek na sina Ronnie Cadayana; Edwin Cadayana; Eboy Cadayana; isang alyas Kulot at isang alyas Kokoy.

Batay sa record, alas-10 ng gabi, nagkukuwentuhan ang mga biktimang sina Rodel Macario, bouncer; Gwendolyn Corneta, 24; Rosalyn Favillar, 23; Jenelyn Tungala, 29, pawang mga GRO at floor manager na si Marlyn Velarde, 41, sa tapat ng pinapasukang Lady Ask sa Camia St., Camarin ng lungsod nang hagisan ng granada ng isa sa mga suspek sakay ng isang pampasaherong jeep.

Agad na dinala sa East Avenue ang mga biktima dahil sa tama ng mga shrapnel sa katawan.

Nabatid kay Tungala, dalawang Linggo na ang nakakaraan ay naging costumer niya ang mga suspek sa Lady Ask at nagwala ang mga huli matapos magreklamo sa kanilang babayaran.

Nagbanta pa ang mga suspek na pasasabugin ang nasabing KTV bago nag-alisan.

Nabatid naman kay Macario na nakita niya ang mga suspek na dumaan sakay ng jeep at biglang may sumabog. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.