Mga survey, sablay!

DAPAT RENDAHAN NG mga kandidato, lalo ng nasa panguluhan, ang kanilang mga kabayo at tumigil sa pagdedeklara sa kanilang mga sarili na siguradong panalo batay lamang sa resulta ng mga survey.

Mula noong 1992, laging sablay ang resulta ng mga survey kaugnay ng halalang pampanguluhan sa bansa. At kung magkakatotoo ang ganitong trend, ang mga nagdedeklara sa kanilang sarili na “tiyak na panalo”ay magigising sa katotohanan at mapapahiya kapag natapos na ang bilangan.

Base sa mga survey noong 1992, makikita sa resulta na ang mga nanguna ay hindi nagwagi sa halalan. Ang trend na ito ay malinaw na malinaw noong 1992, 1998 at 2004.

Sa pambansang halalan noong 1992, si dating Ambassador Eduardo Cojuangco, Jr. ang nangunguna sa mga survey dalawang araw bago ang eleksiyon. Sinundan siya nina dating Speaker Ramon Mitra, Jr., Miriam Defensor-Santiago, at ang nagwagi noon na si dating Presidente Fidel V. Ramos.

Matatandaan na sa nasabing panahon na ikinonsidera si Cojuangco na “sure winner” matapos siyang iendorso ng bloke kung magsiboto na Iglesia ni Cristo (INC).

Noon namang 2004, siniguro sa mga survey na mananalo sa halalan ang aktor na si Fernando Poe, Jr., lalo sa Social Weather Stations (SWS) na pinangangasiwaan ng pinsan ni Poe na si Mahar Mangahas.

Tinalo si Poe ni Bise Presidente Gloria Macapagal Arroyo sa kontrobersiyal na halalan matapos mawalan ng 1.5 milyong boto sa Metro Manila at magwagi sa pamamagitan ng landslide sa Cebu.

Maaaring magandang basehan ang mga survey sa opinyon at paningin ng publiko pero hindi madidiktahan ng mga ito ang resulta ng halalan.

Inamin ni Pulse Asia President Ronald Holmes na walang kasiguruhan ang isang survey para mabatid ang resulta ng halalan. Sinabi niya na sa mga nakaraang halalan, may malaking diperensiya ang resulta ng kanilang survey sa aktuwal na bilang ng mga boto.

May iba pang batayan ng mga laro sa halalan, at sa sagupaan sa larangan ay nakalalamang si Nacionalista Party standard-bearer Sen. Manny Villar pagdating sa pagdedeliber ng mga aktuwal na boto.

Itinatag ng NP ang pinakasolidong alyansa at nakopo ang malaking suporta sa buong bansa. Nagawa ng partido na magkaroon ng mga kandidato sa halos lahat ng posisyon sa lokal na antas sa buong bansa. (Janna Enriquez)

Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

19 thoughts on “Mga survey, sablay!

  1. Vote for whom your mind and heart dictate. Dont’ believe in surveys because they are there to MISLEAD us.

    DON’T VOTE FOR NOYNOY AQUINO. HE IS A FRAUD.

    GOD SAVE THE PHILIPPINES AND THE FILIPINOS.

  2. pareng Gabby double time tayo nangungulelat na si villar talo n ni erap si villar dapat siguro pati si erap siraan na din natin hehehe… luv u

  3. villar talo na ni erap hehehe GABBY pati si erap tirahin mo n din kasi di kana nakakasigurado na si noynoy na mananalo andyan na si erap pumapangalawa hehehe

    double time na tayo gabby lane ateneo

  4. ay naku si villar nsa puso tlga nya ang tumulong ,at gusto tlga nya maging presidente mas maraming matutulungan,si noy kse pinilit lng nung namatay nanay nya,meaning wla sa loob nya tlga,wla ngang nagawa,sbi dami corapsyon,bat di ba nila pwedeng itigilkorapsyon pag di presidente meaning kinukunsinti nila ,nsa pwesto rin nman sila eh dba,masyadong bilib naman,sakit nyan pag natalo,we loveyou villar erap,si gibo tahimik lng ,takot ata sila heheh,prng gibo n lng ako

  5. mabuti pa c villar sarili nyang pera ang ginagastos nya sa kampanya…eh yong iba dyan kung saan-saan humihingi,paano nlang pag sila ang manalo?im sure yong nagpahiram sa kanya eh manghihingi din yon ng kapalit!paano pa mkakatanggi,eh may utang na loob na cya sa taong nagpahiram sa kanya…samantalang c villar wala cyang pwedeng mapagkautangan ng loob kasi hindi cya nanghiram ng pera kahit kanino!lalong lalo na, na hindi nya babawiin ang pera nya dahil bilyonaryo na yan c villar…dahil ayon sa survey ng Forbes kasali c villar sa top 10 na pinakamayamang tao sa pilipinas…# 8 cya…may rason naman tlaga na cya talga ang pinakamalaking gastos sa kampanya kasi mayaman eh..gusto nya malibot ang pilipinas pra sa kampanya nya kaya ganun kalaki ang gastos nya…!

  6. Bakit yung mga issue ng corruption kay villar ang sumasagot yung nanay nyang sobrang tanda na at yung anak nyang pacute hehehe ngayon nagtatago namn sa press

    ITO BA ANG KLASE NG MGA TAONG MAMUMUNO SA PILIPINAS? walang bayag hehehe

    • PARA MONG KINAIN ANG SARILI MONG TAE.

      BETWEEN VILLAR AND NOYNOY ABNOY, MAS WALANG BAYAG SI ABNOY. PATULO-TULO LANG NANG LAWAY AT PAHAPLOS-HAPLOS LANG NG TIYAN, AT PAHITHIT-HITHIT LANG NG YOSI. PARASITE YANG SI ABNOY. NAGDEDEPENDE LANG SA IBA PARA MAKAKAIN. WALA PA SIYANG NAABOT NA NAGGALING SA SARILI NYA. PPURO GALING SA HACIENDA AT SA PORK BARREL.

      TUNGKOL SA NANAY NI VILLAR, AT LEAST BUHAY PA SYA. GUSTO NIYANG TULUNGAN ANG ANAK, BAKIT HINDI. EH YUNG MGA MAGULANG NI NOYNOY ABNOY NA MGA FAKE HEROES, EH INU-UOD NA SA ILALIM NG HUKAY AY PAULIT-ULIT NA KINAKALADKAD SA CAMPANYA. DAHIL WALA SIYANG SARILING IPAGMAMALAKI. YAN ANG TUNAY NA WALANG BAYAG.

  7. ganyan naman talaga eh kung ang manok nila ang nasa taas totoo yung survey pero kng manok nila dehado sasabihin fake ung survey…tsk tsk tsk….

  8. ANG LAKAS TALAGA NG DATING NG HANGIN NITONG MGA MAKA NOYNOY ABNOY DITO. DAIG PA SI ONDOY. HINDI PA NGA NAG EELEKSYON, PRESIDENTE NA. OO NGA NAMAN NAGHAHANDA NA ANG MENTAL HOSPITAL PARA I WELCOME YUNG SPECIAL PATIENTS NILA.

    UNA SI ABNOY DAHIL KUNG ANU-ANONG SINABI NA NAMAN. BUMALIKTAD NA NAMAN SA PINANGAKO NYA KAY EL RAMBOTITO DE MAKATI NOGNOG BINAY. DAHIL NAPINTASAN SYA, BUMALIGTAD NA AGAD.TULAD DIN NG NANAY NYA, TAKSIL. HINDI PA MAN NAGTATAKSIL NA SA KASAMA. KUNDI BA NAMAN BALIW NAGLALAGAY NA NG TAUHAN SA PWESTO HINDI PA NGA NAGEELEKSYON. FEELING PRESIDENT NA. BALIW TALAGA

    IKALAWANG IPAPASOK S MENTAL AY YONG SISTER NIYA DAHIL PAGSASAKSAKIN DAW NYA ANG LAHAT NA PUMUPUNA SA KAPATID NIYANG BALIW. ARAY… TALAGANG MGA BALIW, BALIW, BALIW.

    ITO BA ANG KLASE NG MGA TAONG MAMUMUNO SA PILIPINAS? MGA SAKIM, MGA TAKSIL, AT MGA BALIW?

  9. mukhang unti-unti nang gumugulong pababa si NOYNOY. sa sobra kasing paninira niya sa ibang kandidato e bumabalik at sumasampal sa kanya.

  10. i think mas magnanakaw si noynoy aquino dahil matagal na niyang ant familia niya ninanakawan ang mga farmers sa hacienda luisita.

    • tama!at saka sumikat lang din na man yang c abnoy dahil sa ina nya!eh ano ba ang maitutulong ng ina nya pag cya ang manalo?wla dba?kaya itong mga sumusuporta kay abnoy ngayon…magsisisi kayo!tandaan nyo yan!

  11. willie to villar: “senator, mas maganda na yung tayong nasasaktan kesa tayo ang mananakit”…….

    willie to ABS-CBN: “tanggalin nyo si sucaldito or ako ang magreresign”

  12. NAG NOSE DIVE NA SI VILLAR MAGNANAKAW SA ILALIM. SIGURADO NA SI PRESIDENT NOYNOY AQUINO. LANE..LOVE IT GABBY NASAAN NA KAYO BAKIT BIGLA KAYONG NATAMIMI. MGA TANGANG VILLAROYO. HIHIHIHIHIHIHI

    • TEKA MUNA HINDI PA TTAPOS ANG LABAN.MASYADO NAMAN KAYONG HOT. SURVEY LANG NA KAYO-KAYO RIN ANG TINANONG NANIWALA NA KAYO.

      MAY KASABIHAN NA HULI MAN DAW AT MAGALING AY HAHABOL DIN.

      TANDAAN NINYO, ANG KANDIDATO NINYONG SI NOYNOY AY HINDI MAGALING.

      SINO KAYA ANG MAGALING NA RUMARANGKADA NA.

  13. tama! dahil ang survey is only a part of a whole although it represent the whole but the statistics used is not that appropriate…. 3,000 to 10,000 respondents is not enough to say that the leading candidate is a sure winner because we are million voters here in the philippines.

    • SA LAHAT NG NAGBABASA……

      LAKING GULAT KO LAST TUESDAY NG MAKITA KO SA BALITA. AKALAIN MO SI MAYOR BINAY INAYANG SUMALI SA TIKIT NG LIBERAL PARTY KAPALIT ANG ISANG POSISYON KUNG HINDI MANALO BILANG SENADOR? AKALA KO BA WALANG BAHID NG KURAPSYON…. ANG PAG AALOK NG ISANG BAGAY PARA SA ISANG PERSONAL NA INTERES AY MAITUTURING NA KURAPSYON…. SALUDO AKO KI MAYOR BINAY KAHIT ALAM NYA NA MAHIRAP ANG PINASOK NYANG LABAN NANINDIGAN SYA SA KANYANG DISISYON…. AT HINDI NAGPASAKOP SA TAONG GUSTONG UMEMPLUWENSYA SA KAKAYAHAN NG IBA…. tunay na hindi lahat ng dilaw ay bayani! dahil ang tunay na bayani kapwa muna bago ang sarili! kahit buhay ang itaya para sa kapkanan ng iba!

      Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published.