Mga Sundalo sa Zambo, Wala Nang Makain

DUMARAING NA sa gu¬tom ang mga sundalo na sumasabak sa sagupaan sa Zamboanga City.

Ayon sa ilang mga sun¬dalo, kadalasan ay hindi na sila nag-aalmusal at masuwerte na kung may pandesal o lugaw silang kinakain dahil kadalasang naantala pa ang paghahatid ng supply.

Natutuwa naman ang mga sundalo at maraming mga residente ng barangay Sta. Barbara, Sta. Catalina, Talon-Talon, Rio Hondo at Mampang ang nagbibigay sa kanila ng pagkain tulad ng nilagang itlog, lugaw at pandesal.

Matatandaan na sa mga nasabing lugar nagtatago ang MNLF na may hawak pa ring mga bihag.

Samantala, ayon pa rin sa mga sundalo na kahit may mga pagkakataong nagugutom sila dahil sa kakapusan ng supply ng pagkain ay handa silang magtiis para sa pananatili ng kapayapaan sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.