Mga sundalo nakikikain sa piyesta CAFGU detachment inatake, 5 patay

 

HABANG NAGSASAYA ang mga sundalo sa isang barangay fiesta, sinalakay ng rebeldeng New People’s Army ang isang CAFGU Detachment  sa Sitio Dela, Barangay San Miguel, Magsaysay, Davao del Sur.

Naitala ang limang patay kabilang ang apat na rebelde at militiaman sa nasabing insidente.

Inamin naman ni Enterng Bunal, dating kagawad sa nasabing barangay, na kabilang siya sa human shield ng mga rebelde para makatakas at ang naging papel niya ay tagabuhat ng mga patay at sugatang mga rebelde.

Ala-1:30 ng hapon noong Miyerkules nang umatake ang rebelde sa Cafgu detachment sa Barangay Bacungan.

Sakay ang mga NPA sa isang Forward truck na biglang huminto sa harapan ng Cafgu detachment at nagsimulang magpaulan ng bala sa nasabing detachment.

Nanlaban ang naiwang tatlong Cafgu dahilan para bigong makapasok ang mga rebelde kahit isa sa mga Cafgu ang napatay samantalang sugatan naman ang isa.

Matapos marinig ang putukan sa magkalabang grupo, nagsilbing reinforcement ang mga nasa kapiyestahan na mga sundalo ng pamahalaan.

Nagtagal ang sagupaan sa loob ng 30 minuto.

Narekober sa crime scene ang isang M14 rifle, isang shotgun, at 10 mga backpack na naglalaman ng pagkain at personal na mga kagamitan ng mga rebelde.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.