Mga Sundalo, Ginawang Karpintero; AFP General, Iniimbestigahan na

UMARANGKADA NA ang pagsisiyasat ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa reklamo laban sa isang heneral na ginawang karpintero ang 20 hanggang 30 sundalo sa pagpapatayo ng kanyang bahay sa Taguig.

Sinabi ng tagapagsa-lita ng AFP na nakarating na kay AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista ang reklamo laban kay Brig. Gen. Danilo Costes na hepe ng Communications, Electronics and Information Systems Service ng ahensya.

Ginawa umanong trabahador ni Costes ang may 20 hanggang 30 sundalo sa ipinatatayo nitong tatlong palapag na bahay sa Lot 12 Block 59 Phase 4 corner Llanera St. and A. Bonifacio St. sa AFP Officer’s Village Association Inc. sa Taguig noon pang Marso.

Mismong Office of the Inspector General ng AFP aniya ang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Samantala, inaantabayanan na lamang kung ano ang magiging rekomendasyon nito sa inire-reklamong heneral.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.