Mga sumbong sa text

  • 0910624xxxx – Idol Raffy, magrereklamo sana ako dahil kinuha ang motor ko ng isang pulis samantalang nakaparada lang naman po sa tapat ng bahay namin ang motor ko. Ngayon po ay hinihingian ako ng P6,000 bilang kapalit para ibalik sa akin ang motor ko.
  • 0932951xxxx – Mr. Tulfo, irereklamo ko lang po sana ang pilahan ng mga kuliglig at sidecar dito sa Vito Cruz Station ng LRT. Wala na pong maparadahan ng sasakyan ang mga customers ng mga establishments dito. Kapag sinisita sila ay sinasabi nilang pilahan daw nila iyon at hindi sila mapaaalis dahil may lagay raw sila sa dalawang PO2.
  • 0932344xxxx – Hihingi po ako sa inyo ng tulong, kasi iyong motor na kinuha ko last October 16 at kasalukuyang hinuhulugan ay tumatagas ang gasolina. Ngayon po ay ayaw palitan ng pinagbilihan ko ang unit nang ireklamo ko sa kanila ito. Sinabi pa nila sa akin na kapag nasunog daw ang motor dahil sa tagas ng gasolina, kailangan ko pa rin daw iyon bayaran. Please tulungan n’yo po ako, sa pagkakaalam ko ay under warranty pa ang motor ko.
  • 0906919xxxx – Sir Raffy, sa may JRU Mandaluyong po, maraming nanghuhuli ng motorista pero hindi naman binibigyan ng ticket. Sana ay matigil na ang pangongotong nila.
  • 0929805xxxx – Sir, ang dalawang RORO bus na na may body no. 905 at 907 na biyaheng Masbate to Cubao Ali Mall ay parehong may plate number na TXX 438. Ito po ay pag-aari ng Montegro Shipping.
  • 0922886xxxx – Sana po ay maiparating sa mga kinauukulan sa Taguig para mabigyan nila ng solusyon ang sobrang traffic mula sa Pasong Tamo Extension hanggang sa Gate 3 Bonifacio. Ang dahilan po ng sobrang traffic ay ang pagdo-double parking ng mga sasakyan sa mga kalye roon. May police outpost naman po roon, kaso mga bulag yata ang mga pulis na naka-post doon dahil hindi makita ang sanhi ng trapiko.
  • 0907412xxxx – Iyong mga guards na nagta-traffic dito sa may Ayala ay ang lalakas ng loob na mangotong. Mga nanghuhuli pero mga wala namang mga paniket.
  • 0933210xxxx – Idol Raffy, ako po ay biktima ng isang security agency na napakakunat magbigay ng benepisyo katulad ng SSS, PAG-IBIG, PhilHealth, backpay at tax refund na dapat ay taong 2008 pa naibigay sa mga tauhan nila. Ngunit ito po ay ginawa nilang hulugan na hanggang ngayon ay hindi pa nakukumpleto. Ang aming SSS at PAG-IBIG ay walang hulog ng isang taon pero buwan-buwan nilang kinakaltas ang hulog para roon sa aming suweldo. Talaga pong wala silang awa sa kanilang mga empleyadong security guards. Pakikalampag naman po ang FRW Protection Services Inc.

Ang WANTED SA RADYO (WSR) ay mapakikinggan Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 p.m. sa 558 kHz DZXL. Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7WANTED. Ang WSR Action Center ay matatagpuan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe, Makati City.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.