Mga sumbong sa text

0920619xxxx – Dito po sa Barangay Cruzcosa ng Calumpit, Bulacan ay parang giyera kapag may inuman. Nagpapaputok po kasi lagi ng baril si Oskee Gatchalian. Wala po siyang takot dahil sinasabi niyang bodyguard daw po siya ng mayor namin.

0920742xxxx – Idol, nais ko pong iparating sa inyo na rito sa Tarlac Provincial Jail ay talamak ang pangongotong nila sa mga dalaw. Lantaran ang ginagawa nilang panghihingi ng pera.

0907753xxxx – Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dito sa Maynila tungkol sa manhole at drainage dito sa Velasquez, Tondo. Matagal na kasing barado at hindi nabibigyang-pansin.

0932236xxxx – Sa Barangay Militar ng Palayan City, Nueva Ecija masyadong mangurakot ang kapitan dito. Pinasisingil ang mga tindahan ng P10 bawat araw, walang ini-issue na official receipt ang barangay at tanging kapiranggot na papel lang ang ibinibigay. Pati ang mga nagde-deliver ay sinisingil ng P50 naman. Sinasabi nilang pang-meryenda umano iyon ng mga tanod nila. Kauupo pa lang po nila sa puwesto ay ganoon na ang inaatupag nila.

0907910xxxx – Pakibigyan n’yo naman po ng aksyon ang aming barangay rito sa Muzon Pabahay ng San Jose del Monte, Bulacan dahil tuwing gabi na lang po ay may nahoholdap. Kinukuha ang mga cellphone at wallet ng biktima. Wala naman pong ginagawang aksyon ang kapitan ng barangay rito. – Concerned Citizen

0929716xxxx – May nais lamang po akong idulog sa inyong tanggapan, kasi po ay nag-away ang kapatid ko at ang asawa niya. Pumunta po sa barangay ang babae at sumunod po ang kapatid ko, malapit na sila sa barangay nang sinita sila ng tanod. Ayaw raw pong sumama ng kapatid ko dahil ikukulong siya at tinatanong niya kung ano ang kasalanan niya. Lumaban daw ang kapatid ko kaya pinagpapalo siya, ayon po sa testigo ay nakadapa na ang kapatid ko ay pinagpapalo pa siya. Umuwing hilung-hilo at duguan ang kapatid ko kaya dinala namin siya sa Alabang Medical Clinic. Nu’ng papalabas na kami ay hinarang kami ng mga barangay tanod at iyong isa ay galit na galit na hinila ang kapatid ko sa tricycle, ayaw naming sumama dahil gusto po muna naming pumunta sa Ospital ng Muntinlupa para mapa-X-ray ang kapatid ko. Pinigilan nila kami at pilit pinababalik sa barangay. Hinihingian ko po sila ng paliwanag ngunit ayaw nila akong kausapin at ni ayaw nilang ibigay ang kanilang pangalan. Nang dumating ang mga pulis ay noon lang kami sumama, nakiusap ako sa kanila na kung puwede ay dalahin muna namin sa ospital ang kapatid ko pero dineretso kami sa barangay. Pagdating namin doon ay bigla na lang sinuntok ng hepe ng barangay ang kapatid ko. Umawat ako at pinilit kong makasakay kami ng sasakyan ng pulis. Dumiretso po kami sa Muntinlupa Police Station at doon ay kinasuhan ang kapatid ko ng direct assault. Saka pa lamang po kami pumunta ng Ospital ng Muntinlupa para magpa-medico legal at ma-X-ray ang ulo ng kapatid ko. Kinulong po nila ang kapatid ko pero inurong din daw ang demanda ng barangay at pinagbabayad kami ng P1500 sa nagastos nu’ng tanod na pangpa-medical. Itatanong ko lang po ang aming dapat gawin dahil sa kagustuhan naming maliwanagan at malaman ang aming karapatan.

Para sa inyong mga sumbong, magtext sa 0917-7WANTED

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.